Chapter 50

177 21 5
                                    

P A U M I

"Here." Tiningnan ko ang hawak niya bago iyon inabot.

I smiled at him habang pinagmamasdan ang binigay niya sa aking basket na punong-puno ng prutas. "Thank you rito," I look up para magtama ang paningin namin. "Hindi kana dapat nag-abala pa."

Ngumiti sa akin si Reymon kasabay nang pagtingin niya sa wristwatch niya. I also look into mine, it's already lunch time pero wala pa 'kong kain simula kaninang umaga.

"Oh siya, Paumi, dumaan lang talaga ako rito para ibigay 'yan sa iyo." Tumango ako. "Pakamusta na lang sa tatay mo ah? Bye!"

I wave my hand habang hinahatid siya gamit ang mga mata ko. I'm just smiling while observing his back hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

I look at the basket again. Napangiti ako nang makita ang mga pabiritong prutas ni tatay roon.

Paniguradong matutuwa na naman siya kapag nakita niya ang mga ito.

Hindi na ako nagtagal pa roon sa hallway at tinahak na ang daan papunta sa hospital room ni tatay. Sa bawat hakbang ko ay rinig na rinig ang tunog nang suot kong wedge heels.

I smiled at the nurse nang maabutan ko siyang papalabas sa kuwarto ni tatay. I thanked her dahil sa kasipagan niya sa pagtatrabaho at sa pag-aalaga kay tatay, even though it's their job, at least malaman man lang nila na naappreciate natin ang ginagawa nila.

"Paumi, anak, nandito ka ulit?"

Sumimangot ako sa kaniya bago nilapag ang basket sa lamesa. "Kaunti na lang ay iisipin kong tinatakwil niyo na ako," I joked.

Narinig ko ang pagtawa ni tita. "Nagtatanong lang 'yan pero ang totoo ay kagabi ka pa niya namimiss."

Halos lumapad ang ngiti ko sa nalaman. Umupo na ako sa monoblock sa tabi ng kama ni tatay. Nasa magkabilaang gilid kami ni tita. She preferred that side dahil sofa ang inuupuan niya, may masasandalan ang kaniyang likod.

Kinuha ko ang kutsilyo at ang isang mansanas sa basket. I started to peel the apple habang nakikinig sa mga kuwento ni tatay.

His stories na kahit kailan ay hindi ko pinakinggan noon. Now I know kung ga'no ako naging pabayang anak.

Every parents just want their child to stay at their side, listening to their stories of life.

It's simple, yet hindi ko man lang nagawa.

Kailangan pang may mangyaring masama sa kaniya bago ako nanatili sa tabi niya. Now, inaatake ako ng konsensya ngayong halos kalahati ng katawan ni tatay at na-stroke.

He still have chance to walk, iyon nga lang ay matagalang therapy ang magaganap.

"That's one of the best moment I didn't thought I would felt," he took a deep breath as he reminisce their wedding. "Gusto ko kapag ikakasal kana ay maihahatid kita hanggang sa altar, anak."

Kusa akong napahinto sa pagbabalat dahil sa sinaad ni tatay. Ngumiti ako sa kaniya. "Oo naman, tay. Kaya magpagaling kayo agad, hmm?"

Kita ko kung gaano lumaki ang ngiti sa labi ni tatay. And I can't help myself but to be hurt.

Nagsimula ulit siyang magkuwento. This time, nakatingin na siya kay tita. That's when I let myself stared at my hands . . . to my ring finger.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon