Chapter 29

117 18 2
                                    

P A U M I

"Bakit umiikot ang paligid," natatawang sambit ng kung sino.

Agad akong humiwalay mula sa pagkakayakap ni Brooks at tiningnan ang lalaking naglalakad papalapit sa'min. Humarap din si Brooks sa kaniya. Pero agad niyang kinuha ang pulso ko at hahatakin sana papaalis nang pahintuin siya ni Karl. Hinawakan niya ang braso ni Brooks na nakahawak sa pulso ko habang diretso lang ang tingin sa mata niya.

Patago kong pinunasan ang luha sa mukha ko pero kumunot agad ang noo ko nang umalingasaw ang amoy ng alak ngayong malapit siya sa'min. Nakainom ba siya? Kaya ba ngayon lang siya nakauwi.

"Nandito ka lang pala," natatawang aniya.

Pumupungay na ang mata nito dahil sa kalasingan. Hindi man umabot ng isang taon ang relasisyon namin ni Karl pero sapat na ang ilang buwan para makilala ko siya. At isa sa mga hindi niya kaya ay ang pag-inom. Mababa lang ang tolerance nito sa alak kaya mabilis siya kung malasing.

"Karl, lasing kana," hahawakan ko sana siya nang pigilan ako ni Brooks.

Naiwan sa ere ang kamay ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko bago dahan-dahan na binaba ang kamay ko. Umiwas na lang ako ng tingin dahil nagbabadiya na naman ang luha sa mga mata ko.

"Brooks," pagtawag ni Karl.

Hindi ko alam kung nasa katinuan pa ba siya o wala na. Pero simula nang dumating siya rito ay hindi pa niya natatapon ang tingin sa'kin. Hindi ko alam kung hindi niya pa ba 'ko napapansin o sadyang hindi lang talaga siya tumitingin sa'kin.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sila sa isa't-isa. Akala ko ay magtatagal pa 'yon ng ilang minuto hanggang sa may tumulo nang luha sa mga mata ni Karl. Ang kaninang pagkakahawak niya sa braso ni Brooks ay dahan-dahan na niyang binitawan. Nasasaktan ako ngayon na umiiyak siya sa harap namin. Pero mas nasaktan ako sa sunod niyang ginawa.

Lumuhod siya.

Lumuhod siya sa harap ni Brooks ng walang pagdadalawang isip habang umiiyak. Ginawa niya 'yon para sa pamilya niya. Kasi mahal na mahal niya ang mama niya.

Inalis ko ang pagkakahawak ni Brooks mula sa pulso ko at agad-agad na lumapit sa kaniya.

"Tumayo kana diyan, Karl," mahinang bulong ko habang nakahawak sa braso niya.

Pero hindi siya nakinig sa'kin instead tinanggal lang niya ang kamay ko sa braso niya. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko nang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Nagmamakaawa ako sa'yo, Brooks," he sobbed. "Iurong mo na ang kaso, please. A-Ako na lang ang magbabayad sa nangyari, ako na lang sisihin mo basta iurong mo lang ang kaso."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napayakap na lang kay Karl. Humagulgol na ito sa iyak habang sumasandal sa balikat ko. "Magiging ayos din ang lahat, Karl," pagpapagaan ko sa loob niya.

Tinapik-tapik ko ang likod niya nang niyakap niya ako pabalik. Nasasaktan ako sa nangyayari ngayon. Bakit sa ganitong sitwasyon ko pa kailangan huling makita si Karl. Durog na durog na ang puso ko sa nangyayari.

"Tara na," rinig kong sambit ni Brooks sabay hawak ulit sa pulso ko.

Pero imbes na tumayo ay nagmatigas ako. I bit my lower lips bago tumingala sa kaniya. Tuloy-tuloy na sa pag agos ang luha ko habang nakatingin sa mga mata niya. "Last na 'to, Brooks. Hayaan mo lang na alagaan ko siya ngayong gabi, nagmamakaawa ako sa'yo."

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon