Chapter 22

95 19 2
                                    

P A U M I

“Naiintindihan ko naman, Karl,” ngumiti ako para mawala ang pag-aalala sa mukha niya.

Pero kahit anong sabihin ko na ayos lang ay hindi pa rin mawala ang busangot sa mukha nito. Bumuntong hininga siya. Kinuha ang kamay ko bago ako bahagyang nilapit sa kaniya. Pinulupot niya agad ang bisig nito sa'kin.

Nandito kami ngayon sa gilid ng banyo ng mall. Mediyo pinagtitinginan na nga kami ng mga pumapasok at lumalabas sa restroom pero hindi alintana kay Karl 'yon.

“Sabihin mo lang na ayaw mo at ititigil ko agad 'tong ginagawa namin,” bulong niya sa tenga ko.

Umiling ako bago tinapik ang likod niya. “Ayos lang talaga, Karl. Kailangan ka ni Aria ngayon dahil sa stalker niya. Mas magsisisi tayong dalawa kung papabayaan mo siya.”

Tama. Si Aria ang nahuli ko kaninang kumapit sa braso niya at tinawag siyang babe. Gulong-gulo ako sa nangyari hanggang sa hinatak na lang ako ni Karl dito at pinaliwanag sa'kin ang lahat-lahat.

Naiintindihan ko naman talaga. Mas nag-aalala pa nga ako sa kalagayan ni Aria. Nakakatakot kaya 'yung may stalker at much worst ay kaibigan mo pa ang stalker mo. Hindi niya alam kung pa'no sasabihin sa kaibigan niya na ihinto na ang pagsunod. Kaya siya humingi ng tulong kay Karl. Magpanggap na sila para tumigil na ang kaibigan niya sa pagsunod-sunod sa kung saan siya pupunta.

“Ihahatid muna kita, bago ko balikan si Aria,” sambit nito at hahatakin na sana ako papaalis ng pigilan ko siya.

“'Wag na, Karl. Mas kailangan ka ni Aria. Kaya ko naman ang sarili ko eh.”

Pinasingkitan ako nito ng mga mata. “No, hindi kita hahayaan na umuwi mag-isa. Ikaw ang priority ko, Paumi. Ikaw lang at wala ng iba.”

Ngumiti ako sa kaniya nang humiwalay na siya mula sa pagkakayakap sa'kin. He smiled back bago kinuha ang kamay ko. Kinuha niya rin sa kamay ko ang mga pinamili ko at sinabing siya na lang daw bibili mamaya ng mga hindi ko pa nabibili, basta't masigurado niya lang na nakauwi na 'ko.

Pero papalabas pa lang kami sa hallway ng baniyo ay agad nang tumakbo sa'min si Aria. Binitawan ko ang kamay ni Karl. Ramdam ko ang pag tingin niya sa'kin dahil sa ginawa ko pero ngumiti na lang ako ng bahagya. Alam kong mamaya pag-uwi ay sesermonan niya 'ko dahil sa ginawa ko. Pero ayos na 'yon kaysa naman sa hindi niya maprotektahan si Aria.

“Ang tagal niyo naman mag-usap tungkol sa project niyo,” ani Aria sabay lingon sa'kin at binigyan ako ng isang mapagumanhin na ngiti. “Sorry,” she mouthed.

Tumango lang ako rito para hindi siya masiyadong makonsensiya sa ginagawa nila. Alam ko naman na kaibigan lang ang turing niya kay Karl at gano'n din si Karl sa kanila.

Hindi ko kailangan mag-alala.

“Oh, siya ba 'yung ka-blockmate ni Karl?” tanong ng kung sinong lalaking lumapit din sa'min. “Ako nga pala si Leo,” aniya sabay lahad ng kamay sa harap ko.

Sa tingin ko ay siya ang tinutukoy nila na stalker ni Aria. Mukha naman siyang mabait. Pero wala ako sa position para sabihin kung mabuti ba siyang tao o masama. Hindi naman kasi natin deserving ang ma-judge na lang basta-basta.

Ngumiti ako rito at iaabot na sana ang kamay niya nang apiran 'yon ni Karl. “'Di na uso makipagkamay ngayon. Baduy nito.”

Patago ko siyang kinurot sa tagiliran dahil sa ginawa niya. Inirapan lang naman niya ako.

Nakakainis talaga 'tong ugali ng isang 'to. Maayos na nakikipag-usap 'yung tao eh, tapos babastusin niya. Ngumiti lang ako sa lalaki at binigay ang pangalan ko.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon