P A U M I
"Who's that?"
Tinago ko ang phone ko bago binaling ang tingin kay Karl. "W-Wala, about lang sa painting na hindi ko pa tapos."
He nodded at me at tinuon na ulit ang attention sa kalsada. Patago kong nilabas ulit ang phone.
I gulped nang mabasa ko ulit ang text ni Brooks. Kahit iba ang number na gamit niya ay siguradong-sigurado akong siya ito. Nagsimula akong magtipa para reply-an siya.
To: ***********
Talaga? Kailan?
Wala pang ilang segundo ay nagtext back na kaagad siya.
From: **********
Hindi ko alam kung kailan eh. I'll just surprise you.
Hindi ba dapat kapag surprise ay nakakatuwa, bakit kinakabahan ata ako sa surprise niya ngayon.
Tinago ko na lamang ang phone ko ulit at naglabas ng malalim na hininga. Karl notice it dahil lumingon siya sa gawi ko. But he didn't asked anything na ipinagpasalamat ko talaga.
Hindi ko alam kung pa'no ko ioopen up 'to sa kaniya. I totally forgot about Brooks.
Pumikit ako ng mariin at sinandal ang ulo sa bintana ng kotse. I shouldn't stress too much, marami pa akong ongoing na painting. It's just Brooks, atsaka hindi pa naman siya ngayon uuwi.
I just wish na masabi ko na kay Karl ang pagdating niya bago pa kami masurpresa.
"Ayos ka lang ba, mahal?" Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. "Masama ba ang pakiramdam mo?"
I shook my head, my eyes are still close though. I felt the car stop. Sinilip ko ang labas, he stopped the car at the side of the road. Hininto niya para lamang matuon ang buong attention sa akin.
Huminga ulit ako ng malalim bago dahan-dahan na dinilat ang mga mata. I look at him and witnessed how concern his face is.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko as I smiled at him. "I'm fine, naisip ko lang iyong mga painting ko na hindi ko pa tapos," I lied.
"Are you sure?" nag-aalalang tanong niya.
Tumango ako to assure him. "Puwede ba'ng sa studio mo na lang ako ihatid?"
"Magpahinga ka muna sa condo mo, Paumi," aniya.
"I'm fine really, hindi rin kasi ako tatantanan ng utak ko kung hindi ko iyon magagawa."
I'm not really concern to my painting. Ayoko lang munang umuwi sa condo nang maraming iniisip. Paniguradong hindi ako makakatulog kaya mas maayos kung itutuon ko na lamang ang attention sa canvas ko.
I heard him let out a heaved sigh, signal na suko na siya. "Huwag kang magpupuyat."
Iyon lamang ang sinabi niya bago ulit paandarin ang sasakyan. I just smiled and nodded at him.
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...