P A U M I
"Isa 'yan sa mga meaning ng pangalan mo, a great companion," pagpatuloy niya.
Natulala lang ako sa kaniya lalo na nung ngumiti siya sa'kin. Grabe, sobrang kinis ng mukha niya. Ano kayang sabon gamit nito. Kailangan ba pati ang brand ng sabon ay ilalagay sa gagawin kong story? Hindi naman siguro, 'no?
Lumayo naman na siya sa'kin bago tumingin sa paligid. "Ang tagal naman dumating ng kasama mo," aniya bago binalik ang tingin sa'kin.
"Alam mong may kasama ako?" takhang tanong ko sa kaniya.
Tumango siya sa'kin bago may tinuro na kung ano sa malayo. "Nando'n ako kanina, hinihintay na mawalan ka ng kasama."
Sinundan ko naman ang tinuturo niya at agad na nanlaki ang mga mata ko nang may kumuway sa gawi namin. I saw him wave back his hand to them bago ulit tinuon ang attention sa'kin.
Hindi ko alam na kanina pa siya nando'n, kasama ang mga kaibigan niya. Mas lalo naman nanlaki ang mga mata ko nang kumuway sila sa'kin. Ngumiti lang ako nang bahagya bago yumuko at kumuway pabalik.
Sila ang barkada ni Karl.
Kaya nakakahiya dahil baka alam din nila na nagiikot-ikot ako dati sa department nila para magtanong-tanong tungkol kay Karl. Pero mukha naman silang friendly kaya hayaan ko na lang.
"They're my friends, alam mo naman na siguro 'yon," rinig kong bigkas niya.
Lumingin ako sa kaniya bago nahihiyang tumango. Tumawa lang naman siya kaya ngumiti lang ako. Pero agad akong nahinto nang bigla niyang itulak papunta sa gawi ko ang pagkain niya. Tiningnan ko ito bago binalik ang tingin sa kaniya.
He smiled. "Kumain kana, baka nagugutom kana," aniya.
"Hindi, hihintayin ko na lang si Brooks. Kumain kana diyan," pagtanggi ko at tinulak pabalik sa side niya 'yung food.
"Alam mo bang masama ang magutom, kaya ikaw na ang kumain nito," sambit nanaman niya bago tinulak 'yung food sa'kin.
Ngumiti ako nang bahagya. "Ayos nga lang, ikaw na ang kumain niyan," sambit ko at tinulak ulit ito pabalik sa kaniya.
Bumuntong hininga siya dahil do'n kaya ngumiti lang ako. Kinuha naman na niya ang kubyertos at sumandok ng kanin at ulam. Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya 'yon pero bigla akong nagitla nang itapat sa'kin ni Karl ang kutsara na punong-puno ng pagkain.
"Ah," aniya habang nilalapit sa'kin nang husto ang kutsara.
Napakurap ako dahil do'n at kusa na lang na ngumanga bago sinubo 'yon. Nakita ko naman na may sumilay na ngiti sa labi niya bago siya ulit maglagay ng pagkain sa kutsara at siya naman ang sumubo roon.
"Hindi ka ba nandidiri? Akala ko ba mailap ka sa babae? E 'di dapat nandidiri ka rin sa laway nila?" takhang tanong ko pagkatapos lunukin ang pagkain sa bibig ko.
Huminto naman siya dahil sa sinabi ko bago ngumiti, pero kahit ngumiti siya ay kitang-kita ko naman ang bahid ng kalungkutan sa mga mata niya. Ano nanaman kaya ang naalala niya. Dapat pala magdahan-dahan na 'ko sa pananalita ko dahil baka maalala niya ang break up nila ng girlfriend niya.
Narinig ko siyang bumuntong hininga bago ulit itapat sa'kin ang kutsara. He eyed me kaya sinubo ko na lang ulit 'yon.
"Dati madiriin ako pero nasanay na 'ko dahil sa kaniya, hilig kasi niyang makikagat sa mga kinakain ko," nakangiting sambit niya but this time, alam kong masaya talaga siya.
"Talaga? Ang saya niya siguro kasama, 'no?" nakangiting tanong ko.
Tumango naman siya sa sinabi ko bago ngumiti at yumuko. I heard him took out a deep breath bago ulit pinagpatuloy ang pagkain. Susubuan pa sana ako nito nang dumating na si Brooks sa table namin.
BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Fiksi Remaja[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...