P A U M I
"Anong problema mo!?"
Sigaw ni Lawrence kay Karl pagkatayo niya mula sa pagkakasalampak. Hinawakan ko naman agad ng mahigpit si Karl sa braso nang maramdaman na susugod nanaman sana siya sa kaniya.
"Eh gago ka pala, bakit mo siya hahalikan ha!?" nanggagalaiti na sigaw nito.
Kitang-kita na ngayon ang pamumula ng itsura ni Karl. Hindi dahil sa init kung hindi dahil sa galit. Bakit ba kasi wrong timing ang pagpunta niya rito, pero una sa lahat bakit ba nandito si Karl. Ayokong madamay pa siya rito, ayokong mapaaway siya nang dahil lang sa'kin.
"Karl . . . Tama na," mahinang bulong ko.
Pero hindi ata niya narinig ang sinabi ko dahil diretso pa rin ang tingin ng nanlilisik niyang mga mata kay Lawrence. Sa totoo lang natatakot din ako sa Karl na nasa harap ko ngayon dahil ibang-iba ang aura niya sa nakilala kong Karl.
"Bakit, boyfriend ka ba nito para magalit ka!?" inis na sambit ni Lawrence bago ngumisi at nagpamulsa sa harap namin. "Sa pagkakaalam ko nga bading ka, 'di ba?"
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinambit nito tungkol kay Karl. Pero mas lumaki ang mga mata ko nang tinanggal ni Karl ang pagkakahawak ko mula sa braso niya at sinugod nanaman si Lawrence.
Sinapak niya ito ng isang beses bago kinuwelyuhan. Natataranta na 'ko sa kinatatayuan ko ngayon.
"Putangina ka, anong sabi mo?" nanggagalaiti na bigkas ni Karl.
Lalapit na sana ako sa kanila para pigilan ulit si Karl nang may biglang tumakbo papasok dito at nilagpasan ako. Dumiretso agad sila kay Karl at nilayo ito kay Lawrence. Lumuwag ang pakiramdam ko dahil do'n at laking pasasalamat ko talaga dahil dumating ang barkada ni Karl.
"Sabi ko bakla ka, gago!"
Nanggagalaiti na sigaw ni Lawrence pero hinahawakan na siya ng dalawa sa barkada ni Karl kaya hindi na ito makalapit sa'min. Habang si Karl naman ay pinipigilan ng dalawa pa niyang kaibigan dito sa side namin. Pero sinusubukan niya pa rin pumiglas mula sa pagkakahawak nila.
"Tanginang mong gago ka, kapag nakita pa kitang lumapit kay Paumi, hindi lang sapak abot mo sa'kin. Gago!"
Galit na sambit nito bago kumuwala sa pagkakahawak ng mga kaibigan niya. Hahawakan pa sana ulit nila ito pero nagulat na lang kami pare-pareho nang padabog lang itong lumabas ng room.
Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin kami sa may pintuan kung saan lumabas si Karl. 'Di namin alam kung susundan ba namin ito o hahayaan. Kahit ako ay natahimik pero nabasag ang tahimik na 'yon nang magsalita nanaman si Lawrence.
"Bakla pala talaga ang isang 'yon eh," nakangising bigkas nito.
Kumuwala naman na siya mula sa pagkakahawak sa kaniya ng kaibigan ni Karl bago pinagpagan ang damit niya. Nakatingin lang ako sa kaniya at sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong galit. Gusto ko siyang sabunutan, sipain at suntukin ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam ko naman na wala akong laban sa kaniya.
Kaya tinitigan ko na lang ito nang masama pero nawala rin 'yon nang kalabitin ako ng isa sa mga kaibigan ni Karl kung hindi ako nagkakamali, siya si Elijah.
"May namamagitan ba sa inyo niyang lalaki na 'yan?" mahinahon na tanong nito sa'kin.
Ngumiti siya sa'kin nang hindi ako nakasagot agad kaya agad akong umiling sa kaniya, "ka-blockmate ko lang siya," sagot ko.
Tumango naman siya sa'kin bago bumulong sa katabi niya na si Lucas. Tumango lang din naman ito bago sumenyas sa dalawa nilang kaibigan na nasa tabi ni Lawrence. Kumunot ang noo ko dahil do'n lalo na nang akbayan nila Oliver at James si Lawrence.

BINABASA MO ANG
Until It Fades Away [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #2 ] I really never thought na ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagtibok ng puso kong matagal nang hindi gumagana. But why does fate did this to us? I love you, but my love is not worth it to have you by my side. "Trust me, I wi...