Chapter 10

149 22 5
                                    

P A U M I

"Sue?" pag-ulit ko sa apelyido niya.

Kumunot ang noo nito dahil sa sinambit ko. Pero sa huli ay dahan-dahan siyang tumango nang marahan, "yep, bakit? May kakilala ka bang kapareho ko ng apelyido?" natatawang aniya.

Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa pero ibubuka ko na sana ang bibig ko at ready nang sumagot sa kaniya nang may tumawag sa pangalan ko.

"Paumi!"

Tumingin ako sa likod ni Reymon at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita siya rito. Huminto siya saglit sa hindi kalayuan para kumuha ng hininga bago ulit tumakbo papalapit sa'min. Nasagi pa nito ang balikat ni Reymon na palingon palang sana sa kaniya.

"A-Anong ginagawa mo rito?" takhang tanong ko bago tingnan ang likod niya.

Wala si ate.

Tinukod naman niya ang kamay niya sa tuhod nito. Sinenyasan niya ako na sandali lang habang hinahabol niya ang hininga niya. Tiningnan ko lang siya habang naghihintay. Ga'no ba kalayo ang tinakbo nito at pati ang suot nitong kulay puting baymax na damit ay nadumihan na.

Nagitla ako nang kalabitin ako ni ate Calli. Tumingin ako rito, "uy, sino 'yan ha? At talagang may nickname pa talaga siya sa'yo, Paumi pala ah," kinikilig na aniya.

Magsasalita palang sana ako para sagutin si ate Calli. Kaya lang hindi ko nanaman natuloy dahil sa biglang humawak sa magkabilaang braso ko. Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Karl at gano'n na lang ako nagulat nang yakapin ako nito bigla.

"Sorry . . ." he whispered under his breath.

"Huh?"

Huminga siya ng malalim, "na-guilty ako sa ginawa ko sa'yo, nakakainis ka kasi."

Hindi ko alam kung bakit pero kusang kumurba ang isang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung naiinis ba siya, nagi-guilty, o nagbibiro dahil tumatawa siya habang sinasabi ang mga katagang 'yon.

"Wala ka namang ginawang masama ah?" natatawa kong sambit.

Mas hinigpitan naman nito ang pagkakayakap sa'kin. "Nakakainis, ang hirap magalit sa'yo. May ginawa ka siguro sa'kin, 'no?" he chuckled.

Ngumiti na lang ako nang marinig ko ang tawa niya. Nanatili lang siyang nakayakap sa'kin. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya pabalik o hindi. Basta ang alam ko lang ay dahan-dahan nang umaangat ang kamay ko ngayon. Pero agad ko 'yon hininto nang biglang tumikhim si ate Calli sa tabi namin.

"Grabe, ang daming langgam," aniya.

Sayang, mayayakap ko na sana siya eh.

Lumayo na sa'kin no'n si Karl bago tumikhin at kumamot sa batok niya. Do'n ko lang napansin na may namumuong lupa sa may siko ni Karl. Pinasingkitan ko 'yon ng mga mata at aabutin na sana nang may nanguna sa'kin.

"Nadapa ka ba?" nag-aalalang ani nito.

Pero imbes na sagutin ni Karl ang tanong ni Reymon ay nanlalaking mga mata lang ang ginawad nito. Pati ako ay natulala dahil sa biglaang pag-approach ni Reymon kay Karl.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon