Chapter 21

119 21 4
                                    

P A U M I

“Mom, hindi mo naman na kailangan sumama pa sa'kin.”

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa higaan nang marinig ko na ang yapak nila Karl at ni tita Carla papasok dito sa loob ng kuwarto.

Lumabas kanina si Karl para makaligo at makapagpalit ako ng damit. Pero natapos na ako't lahat-lahat ay ngayon palang nakabalik si Karl, kasama si tita. Ngumiti agad ako pagkapasok na pagkapasok nila rito sa kuwarto.

Kita ko agad ang dala-dalang tray ni Karl na may laman na dalawang baso ng gatas at samu't saring biscuit sa isang mangkok. Nilapag na niya ito sa may side table habang si tita naman ay dumiretso sa'kin. Hinawakan ang kamay ko bago tiningnan ang suot-suot kong sleepwear.

“Saktong-sakto pala sa'yo 'tong pinagkaliitan ko,” aniya bago tumawa ng bahagya.

Hindi ko alam kung inaasar ba 'ko ni tita Carla or sadiyang nagkamali lang ako sa pag-interpret. Pero kahit ano pa man 'yon ay thankful ako dahil naghanap pa talaga siya ng damit na kakasiya para sa'kin.

“Nga pala, inumin niyo 'tong gatas na ginawa ko para makatulog ka ng mahimbing ha? Mukhang ilang araw ka nang walang tulog, ija eh.”

Nakagat ko ang ibabang labi ko bago napahawak sa eyebags ko. Akala siguro ni tita ay malaki ang eyebags ko dahil sa puyat, gaya ng akala ni Karl dati. Pero inborn na talagang malaki ang eyebags ko eh huhu.

Hirap pala ng ganito.

Nahihiyang ngumiti ako rito. “Since birth po ay malaki na po talaga ang eyebags ko, tita,” paliwanag ko.

“Sinabi ko na 'yan sa kaniya pero ayaw maniwala ni mommy, tsk,” singit sa'min ni Karl bago niya kinuha ang towel niya at pumasok sa baniyo.

Nakita ko ang pag-irap ng mata ni tita Carla sa pinto ng baniyo kung saan pumasok si Karl. Napangiti ako dahil do'n. Kahit kasi mukhang eleganteng tingnan si tita ay parang kasing edaran lang namin siya kung umasta. Sana ganito din si nanay. E 'di sana, close rin kami.

Kung naiintindihan lang niya siguro ako, siguro mas close pa kami kaysa kay ate.

“Lagi talaga akong pinapangunahan ng batang 'yan,” rinig kong bulong ni tita bago ako hinarap. “Sure ka bang malaki lang talaga 'yang eyebags mo? Baka naman pinupuyat ka lagi ng anak ko kaya malalaki 'yan ah.”

“Mom! Rinig ko 'yon!”

Inis lang ulit na umirap si tita bago ngumiti sa'kin. Iginaya niya 'ko papaupo sa kama. Nagkuwento ulit sa'kin si tita about kay Karl. Kung minsan ay sumisigaw si Karl mula sa baniyo sa tuwing may sinasabi si tita na nakakahiyang pangyayari tungkol sa kaniya.

Natatawa na lang ako sa tuwing nangyayari 'yon. Ang cute kasi nilang tingnan.

“Kalimutan mo na lang lahat ng kinuwento sa'yo ni mom,” biglang bulalas ni Karl.

Kanina pa kami tahimik simula nang lumabas na si tita sa kuwarto. Nakahiga siya ngayon sa lapag, may nakalatag doon na sapin para hindi sumakit ang likod niya. Habang ako naman ay nakahiga rito sa kama niya. Ilang beses nga kaming nagtalo kanina tungkol dito. Pero sa huli siya ang nanalo at napapayag na dito ako sa kama matutulog habang siya ay sa lapag.

Humarap ako sa direction kung saan siya nakahiga ngayon. Nagtama ang paningin namin. Ngumiti ako rito na ikinakunot ng noo niya.

“Pa'no ko malilimutan 'yung nakabangga ka ng bata habang nagbibike pero imbes na tulungan ay tinakasan mo,” tumawa ako. “Hit and run ka Karl ah.”

Nakita ko itong umirap bago tumalikod sa direction ko. “Matulog kana nga, dami mong sinasabi.”

Hindi ko pa rin mapigilan ang pagtawa ko lalo na sa inasta niya. Umayos na rin ako ng higa pero nakaharap pa rin ako sa direction niya. Pinagmamasdan ang likod niya habang may iniisip.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon