Chapter 5

183 30 8
                                    

P A U M I

"Bakla ka!?" gulat na bulalas ko.

Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko at sinabing 'wag akong maingay. I nodded kaya dahan-dahan na niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.

"Sinabi kong magkababata tayo sa kanila kaya baka magtaka sila kung malaman nilang hindi mo pa alam na bakla ako," natatawang bigkas niya.

Inayos lang muna niya ang mga natirang salonpas sa kahon bago iyon itabi sa gilid ng kama ko. Pinagpag pa niya ang kumot ko bago binaling ang tingin sa'kin.

"Pero seryoso? Bakla ka? Walang halong joki-joki?" 'di pa rin makapaniwala na sambit ko.

He smiled at me bago ginulo ang magulo ko nang buhok. "Mukha ba 'kong nagbibiro?"

Nakagat ko lang ang ibabang labi ko pero maya-maya ay ngumiti ako. Kumunot ang noo niya dahil do'n lalo na ng lumapit ako nang husto sa kaniya. Pinagmasdan ko nang maiigi ang mukha niya. Napahawak pa 'ko sa baba ko habang tumatango-tango.

"Anong ginagawa mo?" natatawang tanong niya.

I smiled. "Bagay nga sa'yo maging babae, Karl!" kinikilig na ani ko.

Nagitla siya ng kaunti dahil sa pagtaas ng boses ko pero maya-maya ay tumawa rin. He flicked my forehead habang tumatawa. Ngumuso lang ako dahil do'n bago hinimas-himas ang noo ko. Hindi naman masakit, mahapdi lang.

"Hindi ko na kino-consider ang sarili ko as gay," nakangiting aniya.

Kumunot ang noo ko dahil do'n. "Kakasabi mo lang na gay ka ah? Gulo mo po."

"Well, yeah. I'm really certain that I'm a gay before not until I met her, ginulo niya hindi lang ang isip ko kung hindi pati puso ko," masayang bigkas niya habang hindi nakatingin sa'kin.

Pero halatang may lungkot sa boses nito. Lungkot sa tuwing iniisip niya ang babae. Ano bang nangyari sa kanila at sa tuwing binabanggit niya ito ay nagkakaron ng lungkot ang mga mata niya.

"Kung hindi mo mamamasamain, ano bang nangyari?"

Huminto naman siya dahil do'n. He smiled bago humarap sa'kin. "Matulog kana," aniya.

"Huh?"

Kumunot ang noo nito. "Anong, huh?"

Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo bago ko nagets ang sasabihin niya. Nakamot ko ang ulo ko dahil do'n bago ngumiti at tumawa.

"Akala ko magkuluwento ka tapos panimula mo 'yung matulog kana," natatawa ko pa rin na sambit.

Tumawa lang din naman siya sa sinabi ko bago ako alalayan na humiga sa kama. Inayos niya pati ang unan at kumot ko. I'm just staring at him though, habang ginagawa niya 'yon. Pero agad siyang nahinto at nahinto ang tingin sa kamay ko.

Kumunot ang noo ko dahil do'n. Nagtatakhang tiningnan ko rin ang kamay ko at do'n ko lang nalaman kung bakit siya nakatingin do'n.

"'Yung singsing!" biglang bulalas ko.

Tatayo na sana ako para kunin sa ID ko 'yung singsing nang pigilan ako ni Karl. Pinahiga niya ulit ako. Ilang beses kong binuka ang bibig ko pero wala naman lumalabas na boses kaya in the end hinayaan ko na muna siya magsalita.

"Ayos lang sa'kin, hindi mo na kailangan magpaliwanag," nakangiting aniya.

Pero halata naman na nanghihinayang siya. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras. Iniisip ba nito na nawala ko 'yung singsing? Imposible 'yon. Gustong-gusto ko kaya 'yung singsing kaya bakit ko iwawala 'yon.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon