Chapter 33

123 18 2
                                    

P A U M I

“What are you still doing here? Move.”

Bumalik ako sa wisyo nang marinig ulit siyang magsalita. “Yes, architect,” natatarantang ani ko bago umalis sa harap niya.

Dahan-dahan kong sinara ang pinto ng office niya. That's when smile slowly form into my lips. I didn't hallucinate, right? Totoong tinawag niya akong Paumi.

After 6 years ay ngayon ko lang ulit na-appreciate ang palayaw kong iyon.

Pumunta na ako sa office pantry para pagtimplahan siya ng kape. Maliit lang ang pantry rito. It has two small round tables with 4 chairs. Of course, kumpleto ang kailangan mo rito. It have coffee maker, electric stove, microwave, and a refrigerator. Puno rin ang laman ng ref at ng cabinet na katabi nito.

Halatang binabantayan at sinisiguradong hindi mawawalan ng laman.

I'm the only one in here kaya sakop na sakop ko ang pwesto. But I really can't stop myself from smiling everytime na naalala kong tinawag ako ni Karl sa palayaw ko.

I miss the old times.

Now, I can't control myself on humming some tunes that I know because of happiness. Pero agad din 'yon napahinto nang may marinig akong nagsalita mula sa pinto.

“Wow, I didn't expect na rito kita makikita ulit.”

Lumingon ako sa kaniya at gano'n na lang na lumaki ang mga mata ko nang makita siya rito. He smiled at me as he walks towards my direction.

He rolled his sleeves up until his elbow sabay kuha ng tasa sa harap ko. Nagtimpla siya ng sarili niyang kape. He smiled again nang magtama ang paningin namin dahil kinuha nito ang termos sa gilid ko. Nilagyan niya ng mainit na tubig ang tasa at ang tasa na para kay Karl.

“Ikaw ang secretary ni insan?” he chuckled as he stir his coffee.

Tumango ako nang bahagya bago haluin ang kape na tinimpla ko. “Hindi ko alam na rito ka rin pala nagtatrabaho.”

Nagitla naman ako nang tumawa siya. Nakatingin lang ako sa kaniya ngayon habang inaayos niya ang sarili. Humarap siya sa akin ng tuluyan sabay lahad ng kamay niya. “I forgot to introduce myself,” he smiled again. “Engineer Reymon Sue at your service . . . miss artist.”

Inabot ko ang kamay niya bago ngumiti. “Secretary ako sa oras na ito, engineer Sue.”

“Alam mo bang agad-agad akong tumakbo rito nang malaman kong dito ka na nagwowork,” aniya sabay simsim sa kape nito.

“Bakit naman?”

He shrugged. “I just want to see you. Ang tagal na rin noong huli nating kita . . . when is it?”

“Nakaraang taon, sa art museum,” pag sagot ko sa kaniya.

“Right, sa museum together with your masterpiece. 'Di pa kita nakilala noong una.”

We both laughed as we remembered what happened that time. Nagkita nga kami noon sa museum kung saan naka display ang gawa ko. I didn't expect to see him there. Pero nung araw ko na rin na 'yon nalaman na may girlfriend na si Karl.

Until It Fades Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon