The Great Gangstah: Bloody Ending
[Part One]
Kinakabahan pa ako habang naga-update. Hehehe. Enjoy reading! Thanks sa support niyo. Pati na din sa followers ko. <3 Much love! This is it guys!
-----
*3rd PERSON’S POV*
Sh*ts.
Dirts.
Gangsters.
Eto ang definition ng Chainlock. Nandito ang iba’t ibang klase ng Gangsters. Mapa-babae, pama-lalaki. Madami ang dumayo mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
December 14.
Sa araw na ito, mas madami ang mga bilang ng manonood sa loob ng Chainlock.
Dahil matagal na panahon ang kanilang hinintay upang makasaksi ulit ng isang Bloody Game sa pagitan ng dalawang pinaka-malalakas na gang sa buong mundo.
Ang FlameDeath at ang FX Gang.
Naging mas kaabang-abang ang laban na ito dahil ang noon na magsyota,muling magkakaharap. Ang dating laging sanib pwersa, ngayon ay magkalaban na.
Sa loob ng Chainlock, imbitado ang lahat ng gangsters sa iba’t ibang panig ng mundo upang saksihan ang madugong bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo. Sa baba ng bleachers, nakaupo ang Rank 4 hanggang Rank 10 na gang sa buong mundo.
Lahat sila, hinihintay at inaabangan ang laban. Dahil kung sino ang mananalong grupo, sila ang hihiranging Rank 1 sa buong mundo.
Nagsimula ng tumunog ng mabagal ang mga drums hudyat ng pagdating ng mga kalahok sa labang ito. Nagsigawan na ang mga tao. Naging triple na ang intense na bumabalot sa loob ng Arena.
Ilang minuto lang ang nagdaan at lumabas na mula sa isang pinto ang grupo ng FX GANG at ang KITTY GANG. 50 ang members ng FX GANG habang 21 naman ang members ng KITTY GANG. Nadagdagan ang members ni Riley dahil nag-recruit ito.
Kulay navy blue naman ang kulay ng kanilang mga damit habang ang grupo ni Ciara ay nakasoot ng kulay pula. Nakatayo na sila ngayon malapit sa gitna. Si Riley at Ciara ang nasa harapan habang nasa likod naman yung iba. Parehas silang nakangisi at taas noong hinihintay ang mga taong makakalaban nila.
BINABASA MO ANG
The Great Gangstah Book One (EXO Fanfic) - UNDER REVISION
FanfictionHer gang is the Top Gangster, globally. His gang is the Top Gangster, locally. They met in an.... Unexpected way to meet someone. Her name is Brey. His name is Luhan. She's mature. He's childish. Will love blossom despite their insignificance?