Chapter 4 -- LIVE WITH HER??
Hello Guys! This chapter is also updated! Hope you guys enjoy!
------
*LUHAN TYLER'S POV*
(A/N: Luhan Tyler on MM guys!!)
Sinalampak ko yung katawan ko sa higaan pagka-uwi namin ng bahay kung saan kami nag-stay na buong Gang.
Yes, nakatira kami sa iisang bahay lahat.
Pero hindi yun yung mahalaga.
Hindi padin maalis sa isip ko yung kabobohang ginawa ko kanina sa school.
Ahrggg. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Ang totoo, hindi ko pinag-isipan yung ginawa ko kanina.
Basta ang pakiramdam ko lang, gusto ko ng umupo, kumain at magpahinga.
And then there's this woman na nakaupo sa inuupuan naming lahat.
Wala kasing umuupo sa upuan naming 'yon. Although totoo naman na walang nakalagay na 'reserve' eh halos natatakot yung mga tao na umupo doon.
Kaya sobra akong nag-panic na parang feeling ko eh 'nawalan' kami ng lugar.
Kaya mabilis pa sa sa mabilis akong dinala ng mga paa ko palapit sakanya at hinablot yung unang bagay na nakita ko sa harap niya.
Naalala ko nanaman yung galit niyang itsura kaninang tumingin siya sakin.
Dahil doon, mas lalo akong nakaramdam ng kaba kanina. Kaba hindi dahil sa takot sakanya, kundi kaba dahil sobra akong na-amazed nung makita ko yung mata niya.
BINABASA MO ANG
The Great Gangstah Book One (EXO Fanfic) - UNDER REVISION
FanfictionHer gang is the Top Gangster, globally. His gang is the Top Gangster, locally. They met in an.... Unexpected way to meet someone. Her name is Brey. His name is Luhan. She's mature. He's childish. Will love blossom despite their insignificance?