Hi Guys! Please add me on facebook - Allen Daligdig. <3
02/20/2024 - Updated
Wala po masyadong nagbago sa chapter na ito <3
---
*D.O'S POV*
"Ang sweet naman nung dalawa. Kyaa! Yung camera!" sigaw ni Trisha sa may gilid ko.
Oo nga. Ang sweet nila sobra. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa nakikita ko. Ngayon ko lang nakita si Chanyeol na ganyan kasaya. Sobrang saya niya, at makikita mo yun sa kanyang mga mata.
Puro na flash ng camera ang ginawa netong magkambal. Tapos tumitili pa silang dalawa.
"Pwede ka bang isayaw, Tao?" Pfft! Natawa kami dahil sa ginawa ni Chen. Nagpa-cute pa kasi siya sa harapan ni Tao tapos nag-act na babae. Si Tao? Ayun, nanlaki ang mata dahil sa kabaklaan ni Chen.
"TUMIGIL KA NGA BAK---"
Hindi na natapos ni Tao yung sasabihin niya ng bigla nalang siyang hilain ni Chen at nagpaka-bakla sila doon sa gitna.
"Nakaka-inggit naman oh! Tara nga Baekhyun!" sigaw ni Kai sa may bandang gilid.
Nakakatuwa naman! Mga lalaki, tapos ang kasayawan nila, lalaki din. Hahahaha! Well.... hindi naman sila literally na naghawakan sa bewang at leeg. Oy! Totoong lalaki kaya yang mga yan! Hahaha.
Actually, yung iba gaya ni Xiumin, Suho at Lay, kinuha yung stuff toy na naka-display tapos yun 'yong sinayaw nila sa ere.
Nagmukhang JS PROM.
JS PROM ng mga baliw. Pfft!
"Aww~ ang sweet nilang lahat!" napalingon ako kay Krisha na wala pading tigil sa pagkuha ng picture ng mga siraulo na sumasayaw at nagkakatuwaan sa gitna.
Syempre, papahuli ba naman ako?
Hindi pwedeng dumaan ang gabing ito ng hindi ko naisasayaw ang girlfriend ko. Kaya lumapit na ako sakanya, saka ko hinawakan ang kamay niya para matigil na siya sa pagclick ng cellphone niya.
"W-why?"
Napangisi ako ng makita ang pamumula ng kanyang mukha.
"Let's dance." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at hinila ko na siya agad sa may gitna.
Inilagay ko yung mga kamay niya paikot sa leeg ko, saka ko siya hinapit sa bewang. Hinigpitan ko pa lalo yung pangkakayakap ko sa bewang niya para mas lalo siyang mapalapit sakin.
"Ayan. The closer, the better." Bulong ko sakanya.
~Saw you walk into the room
Thought I'm try to talk to you
Babe am I ever glad
You wanted me too.
"Ang tagal na nating hindi nakakagawa ng ganitong sweet moments, Krisha. Alam mo ba, sobrang namimiss kita." Bulong ko saka ko pinatong yung baba ko sa balikat niya.
~It's been two years to the day
Half the time I've been away
I know I'm not there enough
But that's gonna change
"I love you, Krisha."
~Co'z I'm coming back to show you that,
BINABASA MO ANG
The Great Gangstah Book One (EXO Fanfic) - UNDER REVISION
FanfictionHer gang is the Top Gangster, globally. His gang is the Top Gangster, locally. They met in an.... Unexpected way to meet someone. Her name is Brey. His name is Luhan. She's mature. He's childish. Will love blossom despite their insignificance?