❤ Chapter 25 ❤

12.8K 368 17
                                    

Chanyeol on your right -->

Chapter 25 - Boracay pt. 5

-----

*THIRD PERSON'S POV*

It's already 12 in the midnight.

Pero, lahat sila hindi makatulog. Iniisip nila si Brey. Nag-aalala sila sa nangyayari sakanya. Sa kung ano man ang pinagdadaanan niya.

"AHHRG! Hindi ko na kaya!" tumayo si Luhan at lumabas nang kwarto niya. Kagaya nang iba, hindi siya makatulog kakaisip kung ano ang nangyayari sa taong mahal niya. Kung ano ang problema niya.

Lumabas siya nang hotel at bumalik sa lugar kung saan nakipag-away si Brey. Nagbabaka'sakali na baka nandun pa siya. Pero, nang makarating siya doon, wala siyang nadatnan.

"Tss."

Naglakad-lakad nalang muna siya habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin. May mga tao padin, pero konti nalang. Huminto si Luhan saglit at umupo sa puting buhangin. Pinagdikit niya ang mga tuhod niya at pinatong ang baba niya dito.

Wala siyang ibang pinapakinggan kundi ang tunog nang mga alon.

"Luhan?"

Napatingin siya sa kanan niya at nakita ang babaeng kanina pa niya hinahanap.

-----

*LUHAN TYLER'S POV*

"Brey..." umupo siya sa tabi ko at humarap din sa dagat. Pero, hindi ko padin inaalis ang tingin ko sakanya.

Napakadaming tanong sa isip ko. Halo halo na din ang nararamdaman ko.

"Gabi na. Anong ginagawa mo at nandito kapa? Nanchi-chicks nanaman ba?" tanong niya nang hindi nakatingin sakin. Pero, bakas naman ang pagkakalma sa tono nang boses niya. Humarap nalang din ako sa karagatan.

"Hinahanap kasi kita."

Diretsong sabi ko nang hindi lumilingon sakanya.

Ang ganda pala nang dagat habang maliwanag ang buwan.

"Hmm? Bakit naman?"

Napaka kalma na niya ngayon kumpara kanina.

"Hindi kasi ako makatulog, nag-aalala ako sayo."

"Bakit ka naman mag-aalala sakin? Hindi mo naman ako responsibilidad ah."

Tumingin ako sakanya. Lumingon din siya sa akin at halatang inaantay niya ang sasabihin ko sakanya.

"Hindi ko kasi mapigilang hindi mag-alala sayo. Kasi mahalaga ka sakin....."

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Nagulat din ako dahil diko inasahang sasabihin ko yun pero nanatili akong nakatitig sakanya.

"Ano bang...... sinasabi mo?"

Tama na bang umamin ako sa nararamdaman ko? Paano kapag mahal niya pa si Riley? Paano kung wala pala akong pag-asa? Paano kapag wala pala kaming pag-asa? Mag-aaksaya pa ba ako nang panahon para malaman ang isasagot niya?

Pero.....

Mahal ko na si Brey.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula, basta ang alam ko, nagising nalang ako isang araw na mahal ko na siya. Na nag-aalala ako kapag hindi ko siya nakikita. Nagseselos ako kapag may kausap siyang iba. At sa tingin ko sa mga oras na to, hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko.

"Gusto kita Brey."

Hindi siya nagsalita, hindi siya nagreact sa sinabi ko. Tinitigan niya lang ako. At sa tingin ko, tumagal yun nang isang minuto.

The Great Gangstah Book One (EXO Fanfic) - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon