❤ Chapter 58 ❤

5.6K 213 13
                                    

Chapter 58: UPDATED! Sorry for the long wait. ^^ Happy New Year GANGSTAHS!

-----

*BRITTANY JULES MORALES*

*BLAG!*

Napahiga itong kaharap ko pagkatapos ko siyang suntukin.

Kumuha kami ng private investigator para malaman kung sino ang gumawa nun kay Luhan. At pagkatapos ng ilang araw, nahanap na namin sila.

Pinatawag ko sila dito sa Gangsters Arena. Nung una, hindi sila umamin, pero dahil nadin sa takot, umamin din sila sa bandang huli.

Kaya heto ako, pinapahirapan ang sampung lalaki na nagpahirap din sa Boyfriend ko.

“T-tama na.... please--” hinila ko patayo yung huling pinapahirapan ko. Pinatatagal ko yung pagpapahirap sakanya para damang dama niya yung sakit.

“Hindi mo ba alam na Boyfriend ko si Luhan?” tanong ko sakanya.

“Ibig sabihin, ang laban niya ay laban ko din. Tama?”

Kitang kita ko na ang panghihina ng katawan niya. Hindi na din siya makapagsalita dahil sa mga sugat at pasa niya sa mukha.

“Isa pa, ang kapal din ng mukha mo no? Sinong nagsabi sayo na pwede mong sirain lahat ng gamit sa bahay ko?”

 

Sinuntok ko ulit siya para mapahiga ulit siya sa semento.

At dun na siya nawalan ng malay kasama yung siyam.

Hinarap ko ang lahat ng tao na nanonood dito sa Arena.

“MAKINIG KAYO SAKIN! KAPAG NAULIT PA ANG GANITONG INSIDENTE, AKO ANG MAKAKALABAN NIYO! GOT IT?”

Tumango sila dahil sa sinabi ko. Pinulot ko nadin yung blazer ko saka naglakad palabas ng Arena na yun.

Wala si Luhan, nasa bahay at inaalagaan nung tatlong babae. Hindi pa kasi siya magaling kaya hindi pa siya pwedeng pumasok.

Naglalakad ako ng makasalubong ko sila Baekhyun at Sehun.

“Brey! Bakit andaming dugo ng damit mo?!” sigaw si Sehun sakin. Pero hindi ko siya pinansin. Hinagis ko lang blazer ko sakanya saka ako naglakad papunta sa C.R.

Naghugas na ako. Nadumihan pa ako dahil sa dugo nila. Tsk. Pati itong white na long sleeves. Sinaktan nila si Luhan kaya pasensiyahan nalang kaming lahat. Dahil pinaka-ayoko ay yung nasasaktan ang kahit na sinong malapit sakin.

Hindi ako nananakit ng tao ng walang dahilan.

The Great Gangstah Book One (EXO Fanfic) - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon