❤ Chapter 8 ❤

15.1K 438 68
                                    

Author's Note: Hellooooo~ This Chapter has been updated as of September 28, 2024. Hope you guys enjooooy! Madaming switching POV's po dito.

-----

❤ SUHO's POV 

Pagkatapos kong nag ayos ng gamit kumuha na akong damit para bihisan ko.

Gusto ko ng maligo. Feeling ko kanina pa ako nangangati eh~

"Lay, mauna na akong maligo ah?" Tinanguan niya lang ako. Siya kasi hindi padin tapos sa pag-aayos ng gamit.

After ko mag-shower, bumaba na muna ako.

Sakto naming naabutan ko si Brey at Arkin sa kusina. Si Arkin nakaharap sa laptop niya habang si Brey kumakain.

Kanina pa 'to kumakain ah? Hindi padin ba busog? Pfft.

"Hey, you need anything?" Tanong niya sakin ng mapalingon siya.

Pumunta ako sa tapat nilang dalawa.

Actually, meron akong gusting idiscuss sakanilang dalawa.

Buti nalang at gising pa sila pareho.

"Maggo-grocery pala kami bukas para makapag-lagay ng stocks namin dito." pag uumpisa ko. Kumunot yung noo ni Brey na tumingin sa akin.

Hindi padin talaga ako makapaniwala na nandito kami ngayon nakatira sakanila.

Oo, wala akong nararamdamang kaba na baka merong mangyari sa amin, pero hindi ko din talaga maiwasang mapaisip ng kung ano mang plano niya or nila.

Sobrang bilis lang kasi talaga ng mga nangyari.

Kahapon normal na normal lang yung buhay namin, tapos ngayon nandito na kami bigla sa mansion ng binansagang "The Great Gangstah" sa buong mundo.

"Hindi niyo naman na kailangang mag-grocery, madami namang stocks dito sa bahay eh." sagot ni Arkin sa akin.

Alam ko naman na mayaman sila. Hindi yun maitatanggi sa sobrang laki ng mansion na ito. Pero ayoko din namang i-asa sakanila yung mga necessities ng buong gang ko.

"I know, pero hindi kasi pa kasi ako comfortable na ibang tao yung gagastos para sa amin." Honest na sagot ko sakanila.

Hindi naman din kami naghihirap.

Kagaya ko, galing din sa wealthy family yung mga ka-gang ko.

Lahat kami sa bahay, nag co-contribute sa lahat ng gamit hanggang pagkain. As in lahat.

Kaya Kahit papaano, alam ko naman sa sarili ko na kaya ko or namin yung makipagsabayan sakanila kung pera lang din naman yung pag-uusapan.

Pero hindi naman ako nagyayabang ahhh~

"Alright then. Do whatever makes you comfy." nakangiting sagot ni Brey.

Ang ganda pala niya 'no? Ngayon ko lang kasi siya nakita ng ganito kalapit.

Sobrang dami kong narinig na rumors sakanya na nakakatakot siya. Na hindi siya malapitan. Na parang kapag malapit ka sakanya, merong mangyayari sayo na hindi maganda.

Siguro walang nakakaalam ng ganitong side niya.

"Sige, una na ako sa taas. Meron pang pasok bukas." paalam ko sakanila.

Masaya ako kasi maliban sa EXO Gang, parang nadagdagan yung mga tao ngayon sa buhay ko.

Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit lahat ito nangyayari, masaya padin ako.

Dahil nadagdagan yung mga taong ituturing kong pamilya.

Sana maging close ko ng sobra sila Brey at ang Gang niya.

The Great Gangstah Book One (EXO Fanfic) - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon