❤ Chapter 17 ❤

11.8K 353 12
                                    

Chapter 17 - EXO, Tampo.

DEDICATED TO NINA LU ❤ 

-----

*LUHAN TYLER'S POV*

 Nakaupo lang ako habang nakatingin kay Brey na nagsasagot. Nakita ko pang umirap si Trixie nang biglang umupo si Brey sa pagitan naming dalawa.

I smiled secretly dahil sa kinilos ni Brey. Pfft. Masakit padin ba ulo mo kaya ka highblood nang ganyan?

--flashback--

Last night

Pagkatapos naming mag asaran, nagsipag akyatan na silang lahat sa kanya kanya nilang kwarto. Nahiga muna ako sa sofa tapos sinindi yung TV kasi hindi pa ako inaantok. Gusto ko munang manood. Madami kasing naglalaro sa isip ko ngayon eh.

At isa na si Brey doon.

"Luhan, dika pa ba aakyat?" Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa sofa saka nilingon si Sehun na may hawak na isang baso nang gatas.

"Maya nalang sunod ako. Pakipatay naman yung mga ilaw sakit sa mata eh." Sabi ko sakanya saka nahiga ulit.

Pinatay naman niya yung ilaw hanggang sa liwanag nalang na galing sa TV yung ilaw ko dito sa sala.

About sa moon yung pinapanood ko tapos stars, sabi may meteor shower daw ngayong gabi. Tinignan ko yung orasan sa relo ko at agad tumayo papunta sa glass window. Binuksan ko yung kurtina at sobrang liwanag nang buwan.

I gaze at the stars pero hindi makita gaano kasi full moon ata. Sobrang maliwanag naman masyado sa kalangitan kaya bumalik nalang ako sa sofa.

Nilipat ko nalang nang ibang channel, nanood akong movie.

After nang isang movie nakaramdam na ako nang antok.

Pinatay ko yung TV gamit yung remote na hawak ko at pinikit ang mga mata ko.

Tinatamad nakong tumayo.

Halos kakaidlip ko lang nang may maramdaman akong mabigat na nahulog sa katawan ko.

Hindi ako nakapag salita agad dahil nawala ata hininga ko. Nagulat ako. Itutulak na sana kung ano man 'to kaso familiar yung amoy niya at yung boses niya nung napa-aww siya.

"Brey?"

--end--

Napahawak ako sa collarbone ko. Dito kasi tumama yung ulo niya kagabi. Ang sakit padin nga eh.

Bumalik yung tingin ko sakanya at sa papers niya na halos patapos na siyang magsagot.

Ang saya nang pakiramdam ko ngayon dahil na din sa nangyari kagabi. Kung meron nga sanang meteors na nakita ko kagabi may hihilingin ako eh.

Ang makasama siya at mayakap.

Diko naman alam na matutupad agad agad yun kahit walang meteors.

Natigil ako sa pag iisip nang nangyari kagabi nang makitang patayo na si Brey.

Bago siya tumayo, nilingon niya muna ako at sobrang sama nang tingin niya sa akin.

"What?" Tanong ko sakanya. Ano bang ginawa ko sakanya? Huhuhuhu.

Inirapan niya lang ako saka siya tumayo at nagpass nang papers.

The Great Gangstah Book One (EXO Fanfic) - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon