TGG - EPILOGUE

6.2K 226 74
                                    

The Great Gangstah: EPILOGUE

-----

Pina-cremate nila ang bangkay ni Luhan at inuwi nila yun sa Pilipinas.

*PAK!*

“Binigay namin ng buo, TAPOS IUUWI NIYONG ABO NALANG?!”

Nagalit ng sobra ang mga magulang ni Luhan hindi lang kay Brey, pati na din sa EXO. Lahat sila nakatanggap ng sampal mula sa kanyang nanay na punong puno ng sakit at galit.

Wala ng nagbago pagkatapos nun.

Lahat sila doon padin nakatira sa bahay ni Brey. Si Rica, ligtas naman. Nagkaayos na si Brey at ang kanyang mga magulang. Naipaghiganti na nila si Brian at nakuha ang hustisya. Pero hindi padin nila magawang magsaya.

Dahil sariwang sariwa padin yung sakit na iniwan ni Luhan sa puso ng bawat isa.

Si Brey padin ang kinikilalang The Great Gangstah.

Nanatiling Rang 1 ang FlameDeath at hinirang na bagong Rank 2 sa buong mundo ang EXO Gang.

Pero lahat sila walang pakialam.

Dahil masakit. Sobrang sakit ang kanilang nararamdaman na hinihiling na sana, bumalik na ulit sa normal ang lahat.

Pain changes a person so much.

At sa sobrang sakit, halos baguhin na natin ang sarili natin sa mga posibilidad sa ating buhay.

Kapag nasaktan ka, madami ang pwedeng magbago. Dahil sa sakit, muling nagsasara ang ating puso. Nagiging matigas ito, at higit sa lahat, nagiging manhid.

Nakakalimutan natin kung sino nga ba talaga tayo.

Sa ngayon, hahayaan nalang muna nilang dumaan ang panahon at hihintayin na maghilom ang sugat na iniwan ni Luhan sa kanilang mga puso. Time will heal all wounds. Time will come. Just, wait and trust no matter how painful.

 

“Mahal na mahal na mahal kita. Wherever you are.” Pinahid niya yung luha niya.

Muling hinalikan ni Brey ang isang semento, kung saan may nakaukit...

 

[In loving memory of Luhan Tyler]

-THE END-

-----

Diyan na po nagtatapos ang Kwento ng isang Brittany Jules Morales o kilala sa pangalang BREY.

Lahat tayo nasubaybayan ang kwento ng kanyang buhay. Naging parte tayo ng magulo niyang mundo hanggang sa makilala niya ang isang gang na nakapagpabago ng kanyang ugali at nakapagpabalik ng dating mga ngiti sa kanyang labi.

Nakatagpo siya ng tao na hindi nagsawang pangitian siya.

Hindi lahat ng bagay, nagtatapos sa isang HAPPY ENDING. Alam ko at alam ng bawat isa sa inyo na minsan, kailangan ng mga sakripisyo. Kaya sana, naintindihan natin na hindi laging sa bandang huli, lahat padin sila magkakasamang nakangiti.

--

Guyyyyyyyys! Waaaaaaah! Tapos na po ang THE GREAT GANGSTAH! I’m so sorry if I had to kill the character of Luhan. L Please, wag naman kayong magalit o magtampo sa akin ha? ;( Anyways,

THANK YOU SO MUCH FOR SUPPORTING MY STORY! SALAMAT NG SOBRANG DAMI DAHIL HANGGANG NGAYON, HANGGANG ENDING, SINOPORTAHAN NIYO PADIN. Dahil din sa story na ito, nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan.  Natagpuan ko kayo. Kaya maraming maraming salamat sa inyong lahat.

Sobrang saya ko kasi alam ko na somewhere around this country, may tao na nagspend ng time para basahin ang story na pinagpupuyatan ko gabi-gabi. :)

Binasa niyo ang THE GREAT GANGSTAH dahil may tiwala kayo sa akin. Kung nalungkot man kayo o hindi nagandahan sa ending, salamat padin. J And everything happen with a reason.

ALAM KO NAMAN NA HINDI KAYO NATUWA SA ENDING PERO SANA MATUWA NA KAYO DAHIL......

MAY BOOK TWO ANG THE GREAT GANGSTAAAAAAAAAH!!!!

Wahahahaha! Oh diba? Malay niyo magkaroon ng panibagong lovestory si Brey diba? Malay niyo naman makamove on siya at makakilala ng panibagong magmamahal sa kanya. Who knows. So guys, expect more on that story.

Just wait. Saka ko nalang ipopost yung Book Two niya. J Thank you again my dearest reader of The Great Gangstah! I love you all. To God be the Glory.

-Ended-

Story written by: FlameDeath (Allen Rubelle Daligdig)

The Great Gangstah Book One (EXO Fanfic) - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon