♡Chapter 52 ♡

6.5K 238 27
                                    

Follow me on Twitter. Pati ang kambal ng FD! Feel free to send us messages. Happy reading!

----

*BRITTANY JULES MORALES*

"Brittany!"

(O____________O)

Halos lumabas yung mga mata ko ng makita ko siya na nakatayo sa harapan ko at mukhang gulat din.

"Sabi mo bibili ka lang ng kape! Anong ginagawa mo diyan sa loob ng Chainlock?! Kanina pa kami hanap ng hanap sayo!" napatanga ako sa harapan ni Luhan habang sermon siya ng sermon sakin.

At dahil sa kanyang walang sawang pagsermon, nakakuha kami ng maraming atensiyon ng maraming gangsters na nagkalat lang dito sa labas ng Chainlock.

"Pinag-alala mo ako! Akala ko iniwan mo nanaman ako eh!"

Tuloy tuloy lang siya sa pagsigaw sakin.

Napangiti ako dahil sa ginagawa niya. Pfft.

I looked at my wrist watch. It's past midnight. Hindi ko na pala namalayan ang oras.

"Brittany! Nakikinig ka ba sa akin ha?! Kanina pa ako salita ng salita dito!" kinagat ko yung ibabang labi ko para pigilan yung pagtawa ko.

'Who's that crazy guy?'

'Yeah man. And why is he shouting at The Great Gangstah?'

'He's got some nerve.'

Napalingon ako sa mga lalaking nagbubulungan sa may bandang likuran namin ni Luhan.

At may mga nakatingin samin, well, almost lahat, nakatingin kay Luhan.

Tumingin ako sakanila at ituro ko si Luhan na di padin tumitigil kakasigaw.

"My boyfriend." Tipid kong singit sa usapan ng mga nagkalat na gangster dito sa labas.

"WHAT?!" sabay-sabay nilang sigaw. I chuckled. Hindi ko sila masisisi. Yung baliw kong EX lang naman ang kilala ng mga yan eh.

Hindi ko na sila pinansin at binalik ko ang tingin ko kay Luhan.

Huh??? Anong ginagawa ng mga ito dito????

Lahat sila. Pati sila Arkin. Ngayon alam ko na kung bakit na lamang nila itong Chainlock. For sure sila Arkin ang nagsabi na baka nandito ako.

"Bakit ganyan itsura niyo?"

Tinignan ko sila isa isa. Bitbit ni Baekhyun at Xiumin si AJ na basang basa ang damit at tumatawa mag-isa. Pfft.

Si Tom at Xander, busy nag-aakbayan. Si Arkin, punas ng punas sa pisngi niya, eh wala naman akong nakitang dumi.

"Salamat naman at nahanap kana namin!" sigaw ni Suho saka lumapit sakin at niyakap ako. Ramdam na ramdam ko pa yung paghingal niya.

"Halos namatay kami kakahanap sayo tapos--- TEKA! Hoy! Bakit kayo nagyayakapang dalawa ha?!" biglang sigaw ni Luhan saka niya hinila yung damit ni Suho. *facepalm*

The Great Gangstah Book One (EXO Fanfic) - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon