Chapter 57

6.2K 224 17
                                    

Ring Of Forever. (Support guys)

-----

*ARKIN’S POV*

Sino naman kayang hudas ang gumawa neto kay Luhan?

“Uhh! Whoever did this, I swear!” nanggigigil na sigaw ni Trisha.

Nang mabasa namin yung text nila na dinala sa hospital si Luhan, agad kaming napatakbo. Si Tom at Xander nga makikipag-date palang sana eh. Tapos sila Trisha at Krisha, nagluluto. Kami naman ni AJ nanonood. Tapos si Rica natutulog---

“Sh*t.”

“Bakit Arkin?” [D.O]

“Naiwang tulog si Rica sa baha---”

“CHANYEOL!” [Kai]

Napatakbo kami pasunod kay Chanyeol ng bigla itong kumaripas paalis. Sa sobrang pag-aalala kay Luhan, nakalimutan namin na natutulog pala si Rica.

And the thought na mag-isa siya, yun ang mas nagpa-kaba sa aming lahat.

“Maiwan na kayo Trisha at Krisha. Pati na din yung iba. Bantayan niyo padin sila Brey.”

“Sige! Dalian niyo!” [Trisha]

Dire-diretso lang kami pababa sa ospital. Nakikita padin namin si Chanyeol at andami na niyang nababangga. May pasyente pa na natumba sa wheel chair. Meron ding nurses na nahulog yung mga medicines na dala nila.

At si Chanyeol lang ang nakakabangga sa kanila.

“ANO BA?!”

“WAG PO KAYONG TUMAKBO!”

Hindi na namin pinansin ang sigaw nila sa amin. Nang makarating kami sa labas, sumakay kami sa kanya-kanya naming sasakyan. Yung iba, nakisakay na sa amin kasi halos paliparin ni Chanyeol yung van ng tangayin niya ito.

“Pasok! Dali!” sigaw ko sa iba. Apat naman na kotse. Kasi kami nila AJ, Xander at Tom eh dala namin yung mga sasakyan namin.

Ayokong isipin na maaaring may nangyari kay Rica, pero hindi ko talaga maiwasan.

“Palapit ng palapit ang December 14. Maaaring yun ang dahilan ng lahat ng ito.”

Napa-preno ako dahil sa sinabi ni Sehun.

“ARKIN!” sabay-sabay nilang sigaw.

Pinag-patuloy ko ang pagmamaneho. Tama si Sehun. Maaaring may kinalaman ang laban na magaganap sa December 14 sa mga nangyayari na ito.

The Great Gangstah Book One (EXO Fanfic) - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon