Chapter 9
"I heard that your already serving the Montregor's younger, how is it sister?" Napatigil naman ako sa pagsubo ng pagkain ng biglang nag tanong si Kuya Leven.
"Maayos naman kuya." Sinubo ko na ang pagkain ko at maganang ngumuya.
"Are you sure? Hindi ka naging uncomfortable?" Kuya is really a caring brother sinisiguro niyang okay kaming mga kapatid niya.
"Oo naman kuya. Hindi naman gaanong mahirap." Napatango nalang ito at kumain na ulit.
Just like me, Kuya Leven Vince Summer is also serving the Montregor. He's a butler of Realladine Dianna Montregor, the elder sister of Rancer.
Sa mga picture ko lang ito nakita at hindi pa sa personal. She's gorgeous just like Rancer.
Hindi ma iitatangi na ang mga Montregor ay lahi ng mga magaganda at gwapo, yung tipong parang nabuhay na fictional characters. Ang gaganda ng lahi sana malahian din ako-
Nabulunan ako dahil sa iniisip. Ano ba itong pinag-iisip ko.
"Baby ayos kalang? Namumula ka." Hinimas naman ni Mom ang noo para siguraduhing wala akong sakit.
"A-ayos lang po. Nabilaukan lang." Uminom ako ng tubig bago tumikhim.
"Anong iniisip mo sis?" Nabaling naman ang attention ko kay Kuya Leven.
"What do you mean?" He smirk at me.
"Para kasing ang lalim ng iniisip mo. Iniisip mo siya?" Biglang namula ang muka ko sa sinabi nito.
"H-hindi no. Hindi ko iniisip si Rancer." Depensa ko.
"Got you." Mas lalong namula ang muka ko ng ma realize ko na wala siyang sinabing pangalan na iniisip ko. "Miss mo na? Magseselos na ako niyan princess." Umakto pa itong nagtatampo.
"H-hindi ah." Napainom naman ako ng tubig dahil nakita ko ang mga titig nilang may pang-aasar. "Mag swimming tayo mamaya."
"That's a good idea, I want to drown Loyd." Pang-aasar ni kuya.
"Bakit ako? Aba ang sama mo ata sa akin kuya." Pagmamaktol naman ng bunso namin.
"Para happy." Tumatawang sabi ni kuya.
"Hindi niyo na ako mahal? Pano nalang ako? Ayaw niyo na sa akin? Napakagwapo ko pa tas lulunurin niyo lang ako? Nasaaan ang hustisya dun sayang naman lahi natin kong ganun eh para namang-"
"Kain kana sis para makapag swimming na tayo." Tumango naman ako at hindi namin pinansin ang pagrereklamo ni Loyd.
Buong maghapon kaming nag bonding. Minsan lang kami nagkakasama-sama dahil palaging busy si mom at dad habang busy rin ang kapatid sa kanyang trabaho.
Sa edad na 19 naka graduate na ang kapatid ko dahil narin accelerated ito at tumulong ito sa kompanya ni mom at dad pero pagtungtung niya ng 21 nagtayo na siya ng sarili niyang kompanya ang Leven's wine and beverage. Sa tulong ng magulang namin successful naman na napatayo ang kompanya niya. Unti-unti nang nakikilala sa industriya ng mga negosyo ang mga gawa niya kaya nagsisikap pa ito para mapalago pa ang kompanya niya.
Ang bunso naman namin ay isang third year highschool, magkasunod lang kami. Sa edad niya matangkad na ito at nagiging matikas na, kaso maloko pero magaganda ang mga academics nito. Kasali siya sa varsity nila at matalino rin.
Buong araw lang kaming naligo sa swimming pool habang pinaglalaruan ni kuya si Loyd, lulunurin daw niya ito habang tawa ng tawa naman kaming nanunuod.
Mga bandang alas tres ay nag hatid si Nay Delia ng meryenda namin. Nqgpahinga naman kami ng ilang minuto at naligo na ulit. Nagpapaunahan pa kami sa paglangoy.
BINABASA MO ANG
She's My Butler
Teen FictionMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...