SMB 36

652 44 30
                                    

Enjoy reading my bees! ❤️

Chapter 36

The whole contest went well, I guess.

Nanalo si Rancer while hindi ko namang kilalang babae ang nanalo. Masaya ako tama masayang masaya, piste.

Gusto kong lang namang sakmalin si Brianne at ilibing na pinakamalalim na hukay sa mundo. Masyado siyang nakakainit ng ulo.

"Huy gaga! Ngumiti ka naman hindi pa premier ng world war III." bulong sa akin ni Cynxia.

Napatingin na man ako sa kanya at napangiwi. "I'm happy don't worry."

Umirap na man si Cynxia. "Grabe ang saya mo! Grabe kitang-kita ang saya mo, muka kalang namang negosyante may gumuhong 100 floors na building."

Narinig ko namang tumawa si Aiden na nasa nakikinig pala sa amin. "Just chill angel."

Inilapit naman ni Cynxia ang muka niya sa tenga ko. "Don't worry ako rin kanina ko pa siya gustong ibaon sa lupa."

Kahit na bad mood ako napatawa pa rin ako ni Cynxia at Aiden. Nagpatuloy ang awarding hanggang sa matapos na ang contest.

Nagsimula nang mag-alisan ang mga tao habang ang iba naman ay naghihintay pa ng kanilang mga kakilala. Tumayo na rin ako dahil pupuntahan ko si Rancer sa backstage.

"Puntahan ko lang si Rancer." Paalam ko sa kanila. Tumango naman sila kaya naglakad na ako papunta sa backstage.

Hindi pa ako nakaabot sa backstage ng may mabangga akong babae. Napaupo naman siya sa sahig dahil sa lakas ng pagkabangga namin sa isa't-isa.

"Oh my gosh! I'm sorry." Agad ko naman siyang tinulongang tumayo. "Pasensya na talaga, hindi—Ate Red?"

Nanlaki naman ang mata nito. "Oh myyy! Loiuse?" Agad na niya akong sinamba ng yakap.

"A-ate kailan ka pa nakauwi?" tanong ko rito. She's Red Monet Forren, one of our childhood friend. Silang dalawa ni kuya ang palaging close simula pa noon.

"Kakauwi ko lang kahapon baby sis." Nakangiti niyang sabi habang inaayos ang nagusot niyang damit.

"Aalis ka po ulit?"

"I'm staying for good na, and also sinusuyo ko pa ang kuya mo." Natatawa nitong sabi pero nakita ko parin ang bahid ng lungkot sa mga mata niya.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Sana magkaayos na kayo ni Kuya. Its been years simula noong nangyari yon, hope he forgave you."

"Sana nga Louise, sana—aray." Muntik nang matumba si ate Red dahil may bumangga sa kanya buti nalang at nahawakan ko siya.

"Ate Dianna!" Masaya kong bati ng magtama ang paningin naming dalawa. Ngumiti naman siya sa akin.

"Rancer is in the backstage, pwede mo na siyang puntahan." she said.

"Sige po ate Dianna."

"M-mauna na ako." Mabilis na umalis si Ate Dianna sa harapan namin, pero nakita ko parin ang kakaibang tingin ni kay Ate Red na nasa gilid ko kapwa nakatingin kay Ate Dianna.

"Loiuse bakit palagi silang magkasama ni Leven?" Napabalik naman ako sa katinuan nang magtanong si Ate Red.

"He needs to." I answered.

"A-are they in a relationship?"

I sighed. "Maybe yes, maybe no."

Nakita ko naman ang pagdaan ng sakit at lungkot sa mga mata niya, pati ang selos na hindi maiikapagkaila.

She's My ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon