SMB 19

819 49 5
                                    

Chapter 19

Mabilis natapos ang araw kaya heto na ako papunta na sa detention room. Hindi ko parin maisip na kinampihan ni Rancer yung babaeng yun. Ako na nga ang inaway ako pa ang may sala. Ansama niya!

Nasa matindi akong pag-iisip ng may biglang umakbay sa akin. "My angel look so sad."

Napangiti naman ako. "Hindi naman."

"I saw you kanina." Napabugtong hininga nalang ako dahil nakakahiya yung nangyari kaninang umaga.

"Sorry hindi ko mapigilan ang sarili kong sapakin siya." Napa-pout nalang ako ng mahina siyang tumawa pero sumeryoso din ulit.

"That's not what I'm talking about." Napatigil ako sa paglalakad at binawi na niya ang kamay niya sa pagkaakbay sa akin. Magakaharap na kaming dalawa. "You cried Loiuse."

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Akala ko walang nakakita sa akin kanina. "A-ang sakit kasi ng s-sinabi ni B-brianne." Pilit akong ngumiti.

Tumaas lang ang isang kilay nito. "Si Brianne ba talaga?"

Napalunok nalang ako. "What do you mean?"

Nakita kong dumaan ang lungkot sa mga mata niya pero agad din itong nawala. "Think Loiuse, think why you're hurting inside," hinaplos niya ang pisnge ko, "listen to your heart darling, and you'll find the real answer." Then he kissed my forehead bago siya lumakad paalis.

Hindi ko siya maintindihan.

I just walked inside the detention room at mag s-stay lang daw ako dun ng three hours, wala na daw kasing lilinisin kaya doon nalang ako.

I'm confused, bakit sinabi yun ni Aiden. I know deep inside me na nasaktan ako dahil sa ginawa ni Brianne, sa mga salita niya at syempre sa mga pang-iinsultu niya. Wala ng kailangang pag isipan dahil yun naman talaga. Tama diba? Oo yun lang naman.

Lumipas ang tatlong oras na nakatanga lang ako habang ang teacher dito sa detention room ay umuwi na, ako na daw ang mag lock. Alas syete na ng gabi, napabugtong hininga nalang ako at kinuha na ang phone kong maka turn off sa lamesa. Bawal daw itong hawakan hanggang sa matapos ang parusa.

Pagkalabas ko ng room ay sobrang dilim na, pero merong mga ilaw na naka on. Tahimik lamang akong naglakad papunta sa gate, wala ng ni isang estudyante dito except sa mga gurong nasa building nila para mag over time.

"Oh iha bakit nandito kapa?" Tanong ni manong guard ng maka abot ako sa gate.

"Detention po." Ngumiti lang ito sa akin at binuksan ang gate.

"Sige ingat ka iha." Nagpasalamat lang ako sa kanya bago naglakad patawid sa kalsada. Wala na akong nakitang taxi sa harapan ng school namin kaya medyo nag lakad-lakad pa ako papunta sa terminal. Maliwag at maingay pa naman at marami pang nakabukas na tindahan kaya hindi nakakatakot.

Naglalakad lang ako ng may biglang humila sa akin papasok sa isang eskenita.

"Pre ito na ata ang sinasabi ni boss." Naka paligid sa akin ang tatlong mga parang adik na lalaki, mukang mag kasing edad lang kami pero mukang mga basagulero.

"Sayang ka miss, maganda kapa naman." Natatawang sabi ng isang lalaking may hikaw sa ilong. Luh ang pangit.

"Simulan na natin." Bigla akong kinabahan.

Kinuha ng isang lalaki ang isang kahoy, tumakbo ito papalapit sa akin. Akmang hahampasin na niya ako ay agad kong sinipa ang tiyan niya na nagpatalsik sa kanya. Lagot talaga.

May naramdaman akong paparating sa likod ko kaya agad akong umiwas at humarap bago sinipa ang muka ng lalaking may dalang bakal.

"Puta babae lang yan mga gunggung!" Galit na sabi ng lalaking mukang leader nila.

Ang ayaw ko sa lahat ay ang ini-insulto kaming mga babae, mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Iniwasan ko ang suntok nito bago pumunta likod niya and I hit a nerve, bagsak agad siya.

Napabugtong hininga nalang ako bago tumakbo palabas sa madilim na lugar na iyon.

--

Nasa loob na ako ng taxi bago ko napansin na napunit pala ang palda ko. Napunit ito hanggang sa itaas na parte ng hita ko, para na tuloy may slit ang palda ko. Napahilot nalang ako ng sintido.

"Salamat manong." Binigay ko na ang bayad ko bago pumasok sa loob ng building.

Nang makapasok ako sa elevator agad kong tinignan ang sarili ko dahil may reflection. Namumula ang braso ko na hinawakan noong lalaki. Mapula ito at bakas ang kamay niya. Bukod sa braso ko ay wala ng akong ibang gasgas.

Bumukas na ito at agad na akong lumabas at pumasok sa penthouse, alam kong nandito na si Rancer pero masyado na akong tinatamad para hanapin siya, siguro nasa kwarto siya.

Umakyat na ako at agad pumunta sa banyo, gusto ko nang mag linis ng katawan at matulog. Medyo masakit ang pasa ko sa braso pero hindi ko na yon ininda ang gusto ko lang ngayon ay mag pahinga.

Napabugtong hininga nanaman ako ng ma realize ko na wala pala akong dinalang damit kaya kinuha ko ang tuwalya at pinulupot ito sa katawan ko. Mabilis akong pumasok sa walk in closet at ang suot ng short at damit na sleeveless.

I stretch my hands bago tinuyo ang buhok ko sa blower na nasa loob ng closet. Ng matuyo na ay agad na akong lumabas.

Tatakbo na sana ako papunta sa kama ng makita kong naka upo si Rancer doon, habang nakatingin sa akin.

"It's already late." Malamig ang boses nito.

Napakagat nalang ako ng labi. "I'm sorry."

"Where have you been." Tumayo ito at lumapit sa akin.

"School." Sagot ko.

"This late?" Nakakunot na ang noo niya.

"Detention." Natahimik naman siya pagkatapos ng sinabi ko.

"Why did you do that Vianne?" Seryuso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

"Do what?" I asked.

"Punch Brianne." Muntik na akong mapairap dahil sa narinig ko.

"Ask her." Lumakad na ako papalapit sa kama ko.

"Vianne."

"Pagod ako Rancer." At umupo sa kama.

He followed me, nasa harapan ko na siya. "Vianne sagutin mo ako."

"Bakit mangliligaw ka?"

Napahilot naman ito ng noo. "Vianne why did you do that to her?"

Hindi ko alam why he keep on asking me na para bang ako ang may kasalanan, that hurts you know. "She started it!"

"At sasapakin mo nalang?" Nabigla ako dahil tumaas ang boses niya.

"So kasalanan ko pa?" Alam ko na pag hindi ko pa napigilan ang sarili ko ay maiiyak na ako.

"Of course, ikaw lang naman ang nanakit." He said.

"You don't know what happened!" Why he's judging me without knowing the real thing that happened.

"I saw it! You hurt her!" He roared.

Nakuyom ko nalang ang kamao ko. "So stupid of you."

Nakita ko ang gulat sa muka niya. "Vianne I'm serious."

"And I'm tired!" Humiga na ako sa kama at tinabunan ang buong katawan ko ng comforter.

"Vianne you don't have the right to hurt her." At tuluyan ng tumulo ang luha ko. Why I'm hurting?

Pinigilan ko ang sariling napahikbi. "She have a trashy attitude!" I said.

I know, he's mad. "Don't you insult her!"

"And what? Let her insult me instead?" Nagpapasalamat ako dahil hindi ako nautal. Pinahid ko nalang ang luha ko.

Matagal ang katahimikan bago siya sumagot. "Did she do that?" Mahina at masuyo na ang boses nito.

"I don't know, asked her. Siya naman ang pinaniniwalaan mo." And let my tears streams down to my cheeks.

JB|ItsLadyJB_

Hope you enjoy the chapters. ♥️

She's My ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon