Chapter 13
Hindi na namin na sagot ang mga tanong nila ng biglang tumunog ang phone ni Rancer. He answered it at si tita Rea pala ito, at hinahanap na kami.
Nagpaalam na kami sa kanila kahit muka pa silang hindi makabawi sa pagkagulat, sumakay na kaagad kami sa kotse at ako ang nagmaneho dito.
Ilang minuto ang makalipas ay nakarating na kami sa penthouse, kinuha namin ang mga bagahe namin bago lumabas ulit. Hindi na kami nag bihis.
Nasa elevator na kami ng may maalala ako. "Rancer, si Deven."
Medyo natigilan rin ito at napatingin sa akin. "Dadalhin natin siya?" Tanong rin nito.
"Pwede pa pusa sa isla niyo?" Napangiwi naman si Rancer sa tanong ko.
"Of course yes." Sagot nito.
"Can we bring him?" Tumango si Rancer kaya napatili ako ng mahina.
Pagkabukas ng elevator agad kaming pumunta sa iwanan ng mga hayop dito sa building nila. Nakita ko si Deven na mahimbing na natutulog sa isang pillow sa loob ng isang cage. Nagbayad naman ako at lumapit si Rancer kay Deven. Madali niyang nabuksan ang cage at kinuha si Deven kaya napaigik ito dahil sa gulat. Napailing nalang ako.
"Huy Rancer maging mabait ka naman kay Deven." Imbis na sumagot ay umirap lang si Rancer habang karga-karga si Deven sa kanyang mga kamay habang may malaki siyang pack bag sa likod. Para siyang batang pupunta sa camping kasama ang paborito nitong pusa.
Nakapasok na kami sa parking lot at magkatabi lang ang kotse namin ni Deven. Naunang naglakad sa akin si Deven.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid at nanlaki ang mata ko ng nakakita ako ng lalaking nakaitim ng suot habang may hawak na baril. Sinundan ko kong saan nakatutuk ang baril nito at nagulat ako ng makita kong kay Rancer ito nakatutuk.
Bago pa niya makalabit ang gartilyo ay tinakbo kuna ang pagitan namin ni Rancer at hinila ito padapa sa gilid ng sasakyan ko.
Nakita ko ang pagkalito sa muka niya pero nawala din ito ng may pumutok na baril.
"Don't move Rancer." Mabilis kong pinindot ang isang buton sa ilalim ng sasakyan ko at hinila ang handle ng isang secret compartment sa nito. Kinuha ko ang baril ko at nakita ko namang nagulat si Rancer. "Just hide, don't come out."
Nasundan pa ito ng ilang putok, nang tumigil na ang pag putok nito ay lumabas na ako at sinimulang paputukan ang lalaki.
Natamaan ko ito sa braso, bumalik ako sa pagtago at madinig ko ang mabilis na pag arangkada ng isang motor. "Nakatakas." Nasabi ko nalang.
Hinawakan ko ang baril ko at lumabas sa pinagtataguan. Sinuyod ko ang paligid at nakita kong wala ng ibang tao.
Mabilis akong bumalik sa pinagtataguan ni Rancer at nakita kong nakasandal na ito sa sasakyan ko habang yakap ang pusa, hindi ito makagalaw at parang gulat na gulat.
"Earth to me Rancer." Napalingon naman ito sa akin habang gulat parin. "Pasok sa sasakyan ko bilis. " Kahit mukang nahihirapang tumayo dahil sa gulat, tumayo parin ito at pumasok sa shot gun seat.
Pumasok narin ako sa kotse at nakita kong may mga guard nang papasok. Agad kong pinaandar ang sasakyan at pinaalis na.
"Rancer saan tayo?" Nakita kong nakatulala lang ito habang nasa hita niya si Deven. "Rancer saan tayo pupunta?" Mas nilakasan ko pa ang boses ko.
"S-sa company ni dad." Tumango lang ako at kinuha ang phone ko. Alam kong bawal ito dahil nagmamaneho ako pero kailangan.
Tinawagan ko si kuya Leven, agad naman itong sumagot. "Hey sis what's up?"
BINABASA MO ANG
She's My Butler
Novela JuvenilMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...