Chapter 5
I'm really confused right now kasi sobrang tahimik ng mga tao sa paligid at nakatingin sa akin, ang iba ay parang na amuse at ang iba naman ay parang kinaawaan ako at syempre may mga galit.
"Master may nagawa ba akong mali." Bulong ko kay master na nagpasinghap sa mga tao sa paligid.
"Nothing, just eat." Malamig nitong sabi kaya agad naman akong kumain. Habang kumakain kami ay may dalawang lalaki na umupo sa harapan namin, it's a four seater table.
"Rancer? May katabi ka." Parang gulat na gulat na sabi ng lalaking blonde ang buhok. He's handsome, and he have this friendly aura.
"Hmm." Tanging sagot ni Master sa mga ito. Para namang natuod sila sa kinauupuan, para itong mga timang.
"May problema po ba?" Ako na mismo ang sumira sa pagkatulala ng mga ito. Agad naman silang napatitig sa akin na para bang sinusuri ang buo kong pagkatao.
"Stop staring at her morons." Nabalik naman sa katinuan ang mga lalaki dahil sa biglang pagsasalita ni Rancer. Nagkatinginan naman ang mga ito na para bang nag-uusap.
"I'm Jers and this is Xian." Pakilala ng lalaking may pulang buhok, inpernes para siyang manok na nakalabas sa kulungan.
"I'm Louise." Nginitian ko lang sila at kumain na ulit.
"Ikaw yong transferee kanina?" Tanong ng lalaking nagngangalang Jers, siya ang katabi ni Rancer kanina sa upuan.
"Transferee?" Nagtatakang tanong ni Xian habang nakatingin kay Jers.
"Ayan napapala mo, cutting classes pa." Pinalo naman nito ng dulo ng kutsara ang ulo ni Xian,they look cute.
"May emergency kanina kaya hindi ako nakapasok. Sa bait kong to muka ba akong mag c-cutting?" Depensa naman ni Xian at nag simula na itong kumain.
Nakaramdam naman ako ng tawag ng kalikasan kaya nagpa-alam naman ako kay Master na pupunta na muna ako comfort room.
Naligaw pa ako saglit mabuti nalang at may nagturo sa akin kong saan banda ang hinahanap ko. Pumasok na kaagad ako nakita kong walang ibang tao rito kaya pumasok na ako sa cubicle.
Nasa gitna ako ng ginagawa ko nang marinig ko ang pag pasok ng mga babae. I think they're three base narin sa mga boses na narinig ko.
"Grabe si ate girl kanina umupo talaga sa tabi ni Rancer." Nakuha nito ang attention ko dahil alam kong ako ang pinag-uusapan.
"Pero hanga ako sa kanya, ang strong niya para umupo sa tabi ng pinakacold at supladong lalaki sa campus."
"Nagulat nga rin ako kasi hindi siya pinaalis ni Rancer."
"Pero kawawa si ate girl."
"Pagumabot to kay Brianne siguradong siya ang target nito."
"Oo nga kawawa naman." Narinig ko naman nag tawanan ang mga ito.
"Salute na rin ako kay Brianne dahil kahit ilang beses ng tinanggihan, bumabalik parin. Perfect example ng obsessed na tanga." Narinig ko naman ang yapak nila papalabas. Hindi ko alam pero bigla ako kinabahan sa Brianna na yun.
Bumalik ako sa kinauupuan namin at ganun parin ang mga estudyante, matalim parin ang tingin sa akin. I just shrugged and continue eating.
My whole day is a little bit weird kasi halos lahat ng nadadaraanan kong student ay tumitingin sa akin at nagbubulungan. What I hate the most is me being center of attention pero mukang ito talaga ang mararanasan ko.
Nakatayo lang ako sa parking lot hinihintay ko si Manong Reck at si Master Rancer.
Hindi nagtagal ay nakita ko si Master Rancer papunta sa isang itim na sasakyan, agad ko itong nilapitan.
"Master kailangan ko po bang sumunod sa inyo sa bahay niyo?" Agaran kong tanong ng makalapit ako sa kanya, kami lang ang tao sa parking lot.
"Yes you should. Did you pack your things already?" Sabi nito habang may ginagawa sa cellphone niya.
"Para saan po?" Napa-angat naman ang tingin nito sa akin.
"You didn't know?" Nakakunot ang noo nitong tanong. Umiling nalang ako, bigla namang nag vibrate ang phone ko kaya tumalikod muna ako. Tinignan ko ang caller at si Mom yun.
"Hello Mom." Sagot ko.
"Baby I forgot to tell that you'll be living with your Master Rancer, Manang Delia already pack your things and also Manong Reck is in the hospital, something happened to him." Medyo nabigla naman ako sa narinig ko. Alam ko namang kailangan sa iisang bahay lang kami para mas matuunan ko ang pagsisilbi pero hindi ko inaasahan na ngayon agad ito.
"Really? Okay lang po ba siya?" Nag-aalala kong tanong.
"Yes baby, at kong pwede sumabay kanalang sa Master mo baby." Napakunot nalang ang noo ko dahil masigla ang boses ni Mom.
"Y-yes sure mom." Nag-aalangan kong sagot rito.
"Goodbye baby. I love you."
"I love you too Mom." Then mom hang up.
Agad naman akong napatingin kay Master Rancer at nagulat ako ng nakatitig rin pala ito sa akin. I just smiled at him at lumapit na.
"Master pwede bang makisabay?" Nakayuko kong tanong rito.
"Are you talking to the floor?" He sarcastically ask. Napa-angat agad ako ng ulo at tinignan siya.
"No, I mean master makikisabay sana ako kasi nasa hospital si Manong Reck yung driver namin." I explained to him para kasing bad mood na siya.
"Sure. Where's your things?" Napaiwas ako ng tingin dahil mukang madadagdagan ko ang inis niya.
"Nasa bahay po." Napa-pout nalang ako at napakamot sa ulo.
I hear him sigh, "Okay let's go." Pumasok kaagad ito sa kotse niya kaya mabilis rin akong pumasok mahirap na baka sagasaan ako nito.
JB | ItsLadyJB_
BINABASA MO ANG
She's My Butler
Teen FictionMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...