Chapter 55Agad napabangon si Loiuse sa higaan nang magising siya. Tanghali na at nagugutom na siya. Napalingon siya sa anak niyang natutulog sa kama. Kahit may problemang bumabagabag sa kanya ay napangiti siya nang makita itong mahimbing na natutulog.
Pagkatapos nilang mag Plano kanina ni Nigel ay umakyat na siya para tignan ang anak. Nakita niya itong nanunuod ng cartoons sa kwarto ni Rancer, dito rin sila natulog tatlo.
Simahan niya si Raivian sa panunuod at hindi niya namalayan na nakatulog na rin siya.
"Nandito na ata sila." sabi niya sa sarili. Balak nila ni Nigel na ipunin silang lahat dito sa bahay. Mas malapit sila ay mas safe. Mahirap pag malayo sa isa't-isa.
Naglakad na si Loiuse papalabas sa kwarto at papababa sa hagdan. Agad niyang narinig ang mga mahina at malakas na pag-uusap sa baba.
Pagpasok niya sa living room ay agad niyang nakita ang lahat ng mga pinoprotektahan niyang tao sa buhay niya.
"Anong nangyayari dito?" Napalingon sa kanya ang lahat nang magsalita siya. Nakaupo ang mga magulang niya at magulang ni Rancer sa isang long sofa habang si Ate Dianna naman ay nakaupo sa isang single sofa at nakaupo sa armrest nito si Kuya Leven. Nakaupo naman sa isa pang single sofa si Cynxia habang nakakunot ang noo. Pinilit namang sinisiksik ni Jers at Xian ang kanilang sarili sa isang single sofa. Habang nakatayo si Loyd, Rancer, Nigel at dalawa niyang kaibigan na hindi ko alam ang pangalan pero nakita ko na ito dati.
"Anak ano bang nangyayari?"
"Kinakabahan ako."
"Meron bang emergency?"
"Alam mo bang kinidnap kami ng lalaking yan?" Maldita namang sabi ni Cynxia.
Napakunot naman ang noo ko at napatingin kay Nigel na ngumiti lang sa akin.
"Nigel! I told you that do not scare them." Reklama ko dito habang masamang nakatingin sa kanya.
Umirap lang ito sa akin. "It's better, kaysa naman kunin lang natin sila. Let that moron think that they are kidnapped."
Napakamot nalang ako ng noo. "Kidnapped? Seriously Nigel? Paano siya maniniwala—"
"You know, you should trust me." Nakangiti nitong sabi.
"I did." sagot ko.
"Then don't question what I did." Napairap nalang ako sa kanya at mahina naman siyang tumawa.
Nabalik ang paningin ko sa kanila and they are confusedly looking in both of us. Tumabi naman sa akin si Rancer.
Napakunot ang noo ko nang mapagtantong kulang sila. "Nasaan si Brianne!?" Agad kong tanong at bumaling kay Nigel.
"Papunta pa rito—"
"The woman tailed with two motorcycles and of course they are armed." Napataas naman ang kilay ko sa kasama ni Nigel na kalmadong nakatingin sa laptop niya. "Nadaplisan siya."
Para namang nanlamig ang katawan ko sa narinig. Agad kong sinipa ang isang parte ng gilid ng sofa at lumabas dito ang isang handle. Hinila ko ito at para itong malapad na kahoy na nalalagyan ng mga armas. Samo't saring mga sandata ang bumungad sa aking paningin kaya agad akong naghanda.
"Fuck V, hindi ka pwedeng lumabas." Singhal sa akin ni Nigel.
"I need to save her." I took a quick glance at nakita ko ang gulat sa mga mata nila. Si Rancer naman ay natataranta at nadadalawang isip kong pipigilan o hahayaan ba ako.
"Anak why you have those things?" Nakatayo na pala si dad sa gilid ko at gulat na nakatitig sa mga armas.
Nasabit ko na sa sarili ang mga gagamitin ko kaya tumayo na ako at binalik ang pagkasarado nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/257076086-288-k442927.jpg)
BINABASA MO ANG
She's My Butler
Teen FictionMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...