Enjoyy...
Chapter 40
"Bilis aalis na tayo." Sabi ko kay Rancer na nagtatali ng shoe lace niya.
Gabing-gabi na itong nakauwi kahapon kaya matagal siyang nagising ngayon. Hindi naman sa galit ako pero sana naman magdali siya.
Araw ng linggo ngayon at hindi dapat mag open ang shop nang gumawa ng toga namin. Sabi nito 7am daw ay dapat nakuha na namin ito. Kaso dahil sa sobrang tagal magising ni Rancer ay malapit ng mag 9 am at nandito parin kami sa penthouse.
Nang makalabas kami ay mabilis akong naglakad papunta sa ellevator.
Pagkabukas nito ay mabilis akong naglakad papunta sa parking lot. Alam kong nakasunod lang sa akin si Rancer.
"Vianne can you slow down?"
"How can I slow down if we're two hours late Rancer?!" Hindi ko alam pero naiinis talaga ako ngayong araw. Naiinis ako lalo na sa pagmumuka ni Rancer.
Napakamot naman si Rancer sa kanyang buhok at sumunod lang sa akin. Mabilis akong pumasok sa kotse, pumasok na rin si Rancer. Mabilis kong pinaandar ang kotse papunta sa lugar na pupuntahan namin.
Pinarada ko ang kotse sa labas ng shop. "Ate!" Tawag ko sa babaeng nagtratrabaho dito at mukang isasarado na niya ang shop.
"Ako po si Loiuse." Hinihingal ko na sabi dito.
"Ma'am, akala ko po hindi na kayo pupunta sige po pasok po kayo." Sabi naman nito.
Naramdaman ko naman si Rancer na nasa tabi ko. Pumasok kaming dalawa.
Pumasok ang babaeng iyon sa isang pinto at ilang minuto bago ito lumabas na may dalang dalawang toga na naka hanger.
"Sukatin niyo po ma'am at sir." Kinuha ko na ang binigay sa akin at agad dumeritso sa dressing room ng shop.
Naramdaman ko naman na pumasok si Rancer sa katabing dressing room.
"Vianne may nagawa ba akong mali?" Tanong nito mula sa kabila.
"Nothing." I answered.
"Bakit parang mainit ang ulo mo sa akin?" tanong ulit nito.
"Hindi mainit ang ulo ko." May kalakasang sabi ko.
"See? You're shouting."

BINABASA MO ANG
She's My Butler
Novela JuvenilMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...