Chapter 7
Nakatayo sa ako sa walk-in closet ng kwarto ko habang inaayos ang mga gamit ko. Hindi ito kasing laki ng walk-in closet ko sa bahay pero sapat na para sa mga gamit ko.
Nagluluto ako ng hapunan non ng may mag door bell, ito pala ang mga gamit namin. As usual tahimik lang si Master habang kumakain at nagpatimpla ito ng gatas bago pumasok sa silid nito.
I'm done with my things already so I just take a quick bath at humiga na sa kama. Minutes pass until my phone rang, it's my mom.
"Hi Mom." I greeted happily.
"Baby kamusta paglipat niyo?" I here some noises, maybe she's on the mall.
"Okay lang naman Mom. Kayo po kamusta kayo?" My mom is always hardworking kaya minsan nag-aalala na ako sa kalagayan niya.
"Fine anak. Nandito ako sa mall bumibili ng regalo sayo, uuwi na kasi ako tommorow." Napabangon naman ako, I'm always exited when they're going home kasi madali ko lang ako maka miss.
"Really? Yey I'm excited na." Narinig ko naman ang mahina niyang tawa.
"Anyway, rinig ko may bagyo jan ngayon gabi? Kamusta ka anak?" Napakunot naman ang noo ko. Napatayo ako at pumunta malapit sa bintana, sinilip ko ang labas at wala namang ulan at tahimik lang.
"Wala naman mom ah."
"Babagyo daw sa Pilipinas-" Hindi pa natapos ni Mommy ang sasabihin ng isang malakas na kulog ang bumulabog sa tahimik na gabi. Hindi ko namalayan na napa-upo na pala ako sa sahig dahil sa sobrang gulat. "Anak ayos kalang-"
Sasagutin ko na sana si Mommy nang namatay ang phone ko, hindi ko pala ito na charge.
Isang malakas na kulog nanaman ang nangyari. Nagsimula nang lumakas ang tibok ng puso ko at nanginig na ang katawan ko. Different scenarios popped up on my head that made me more scared.
Mabilis akong tumayo at tumakbo papalabas sa silid. Bumungad sa akin ang madilim na hallway, mas nadagdaggan pa ang takot ko ng biglang kumulog na may kasamang kidlat.
Nagmadali akong tumakbo papunta sa silid ni Rancer, kailangan ko ng kasama. Please wag niyo akong hayaan na mag-isa, takot po ako.
Walang sabi-sabing pumasok ako sa loob ng silid ni Rancer, medyo nawala naman ang takot ko ng makitang maliwanag ito.
"Are you crying?" Napalingon ako sa isang queen size bed na kulay itim. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Nakita kong nakahiga siya at makapatung ang laptop niya sa dibdib nito.
Hindi ko na ito na sagot nang kumulog ulit ng mas malakas. Agad akong sumampa sa kama niya at walang pag-aanlinlangang isiniksik ko ang muka ko sa leeg niya at yumakap ang kamay ko sa dibdib niya.
"Hey Vianne, are you okay?" Sumiksik pa ako sa kanya nang marinig ko ang mga tunog mula sa labas. Mas lalo pa akong napaiyak dahil sa tanong niya.
"I-im scared." Nanghihina kong sabi.
Hindi na nagprotesta pa si Rancer hinimas-himas nalang nito ang aking buhok. Ginawa niya iyon hanggang hindi na ako umiyak, pero hindi pa rin mawala ang takot sa sistema ko.
He pulled the comforter and let that thing cover us, inayos niya ang pagkahiga ko at pinahiga ang ulo ko sa kanyang braso. Nakatagilid ako habang nakayakap sa kanya, hindi ko namalayan na natumba na pala ang laptop niya sa gilid niya mismo.
Humigpit ulit ang yakap ko sa kanya ng biglang kumulog.
"Don't cry, I'm here." Those words comfort me. Kinuha niya ang kanyang laptop at nilagay sa likuran ko at saka siya tumagilid, he hug me then he kissed my forehead. "Sleep now, sweetheart." Nakatagilid na kaming magkayakap ngayon.
Fear is still in my system at it's not making me sleep, but me caged inside his arms send comfort and safety on my body.
I close my eyes at nakiramdam muna sa paligid. He's still working on his laptop while hugging me. Ten minutes have past but I still can't sleep, it's raining really hard outside and everytime it thunders I just move closer to Rancer.
"Can't sleep?" He asked. Dinig na dinig ko ang boses niya lalo na at nakasobsob ang muka ko sa dibdib niya.
"W-what if I w-won't woke up when I s-sleep?" Waves of waves of memories comes rushing in my brain that made me more scared.
"Of course not sweetheart, that's not gonna happen." He kiss the top of my head before hugging me more. "I'm here and your safe."
Malakas parin ang ulan sa labas, kahit may takot parin ako unti-unti naman itong nawawala.
He played a relaxing song on his phone while he's still tapping on his laptop, then suddenly it rings. Para bang may gustong makipag-video call kay Rancer.
Nagulat naman ako at napasilip sa laptop nito, it's Jers Vandent he's bestfriend who have red hair. Napaangat naman ang ulo ko sa kanya at nakita kong napangisi nalang ito.
"Don't move if don't want them to know you, just sleep okay. Don't mind us." Napatango nalang ako at mas napasiksik pa sa kanya dahil sa isang malakas na kulog. Alam kong pagsasagutin niya ito malinaw talaga na may kayakap siya.
I heard him tap something, that's means he answered the call.
"Hey Rancer man- oh shit." I stiffened when I heard Jers voice. "Damn Xian needs to see this."
I heard the laptop rang, they're going to group call.
"Hey everyone what's with the- the fuck?" I can imagine that Xian has the same reaction with Jers.
"M-man sino yang kasama mo?" Rinig kong tanong ni Xian.
"Just no one." Rancer said coldly and hug me more.
"But-"
"Just state why you call Jers and don't bother asking who's this girl or I'll burn your house." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Rancer.
"M-may kwento kasi ako-"
Hindi kona natapos ang pinagsasabi ni Jers ng biglang hinila na ako ng kadiliman tas demonyo na ako joke. When my eyelids fell and darkness consumed me. Good night.
JB|ItsLadyJB
BINABASA MO ANG
She's My Butler
Ficção AdolescenteMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...