SMB 15

916 56 5
                                    

Chapter 15

(Loiuse POV)

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa muka ko, I opened my eyes and I found out that mataas na ang araw sa labas.

Napabangon ako at napatingin sa alarm clock sa night stand, it's already 8 in the morning. Dahil late na rin naman ako hindi na ako nagmadali, ano pang ipaglalaban mo late ka nanaman atleast nagising ka diba. Ang totoo niyan sasama talaga sana ako sa pagluluto ng agahan.

Napag-usapan namin na maliligo kami ngayon sa dagat. Kahit maliligo sa labas, naligo parin ako para naman presentable akong lalabas sa silid.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang two piece na itim at pinatungan ng itim na shorts at gray na t-shirt. Inaayos ko na ang buhok ko at lumabas na sa silid, wala na rin ang pusa ko sa loob.

Paglabas ko at nahagip agad ng mata ko si Rancer na papalabas sa kanyang silid. Mukang matagal rin itong nagising.

Ngumiti ako at bumati sa kanya gaya ng lagi kong ginagawa. "Good morning Rancer."

"Good morning Vianne." Nabigla ako ng akbayan ako nito. "Kumain kana?"

"Pa fall ka?" Nasabi ko bigla.

"What?"

Na realize ko naman ang sinabi ko. "H-hindi pa ako kumakain."

Nagtaka ito sa sinabi ko. "It's already 8, bakit hindi pa?"

"Kakagising ko lang." Tumango lang ito.

"Then let's eat." Nakaakbay parin ito habang pababa na kami.

Pagkababa namin ay nakita namin ang mga lalaki na nag lalaro ng chess sa sala.
Kalaban ni Kuya si Tito Daniel habang magkalaban naman si Dad at Loyd. Ang seryuso ng mga muka nito kanya kanyang isip ng takteka.

"Good morning sis." Bati ko kuya ng makita niya kami pero agad ding kumunot ang noo ng makitang nakaakbay si Rancer sa akin.

"Good morning kuya. Good morning Dad at Loyd. Good morning po Tito Daniel." Magana kong bati at binalewala ang nakataas na kilay ni Kuya.

"Good morning." Simpleng sabi ni Rancer. Minsan maingay, minsan ang cold ng lalaking ito.

"Huy wag mong akbayan yang kapatid ko!" Napairap nalang ako dahil sa sinabi ni kuya.

"Bawal?" Sagot naman ni Rancer.

"Oo bawal-" Hindi na natapos ang sasabihin ni kuya ng takpan ni Loyd ang bibig ni Kuya Leven gamit ang kamay niya, habang nakangiti lang ang dalawang lalaki.

"Kumain na po kayo." Tumango lang kami at dumeretso na sa kusina.

Dumiretso kami sa kusina dahil walang tao sa dining area. Pagbukas namin ng pintuan ay nakita naming naghuhugas ng plato ang mga babae.

"Good morning everyone." Masigla kong bati kaya nabaling ang attensiyon nila sa amin. Bumati rin sila sa amin ni Rancer.

Umupo si Rancer sa counter at doon na rin kami kakain. Kumuha naman ako ng plato para makakain na kami.

"Mga anak bakit ang tagal niyong nagising." Sabi ni mom habang kumukuha ng gamit pang bake. Mukang magluluto ito ng cupcakes.

Ngumiti lang ako kay mom. "Sorry mom, matagal akong nakatulog." Umupo na ako.

"Sige kain lang kayo jan."

"Isa tulungan na kita jan." Exited na sabi ni Tita Rea.

"Ako rin Tita." Lumapit naman si Ate Dianna na sa kanila.

She's My ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon