Chapter 11
Nakasunod lang ang tingin ko kay Rancer habang tinatayo si Rian. Mas na guilty pa ako nang nakita kong umiiyak na si Rian. Masyado ko atang nasaktan si Rian.
Mas nagalit pa ata si Rancer ng makita nito na may sugat ang mga palad ni Rian.
"Vianne why did you push her?" Sinalubong ko ang mga tingin nitong galit.
"S-she's hugging me." Nauutal kong sabi dahil natakot na ako sa kanya.
"That's harmless Vianne!" Nakatingin pa rin ito sa akin kaya napahawak nalang ako sa braso kong may sugat.
"K-kasi masakit." Hindi ko alam pero hindi ko ma explain ang nangyari kanina.
"Don't be rude Vianne, ganyan na ba kasama ang ugali mo?" Nag-init naman ang mata ko dahil sinabi niya. Hindi ko akalain na magagalit ng husto si Rancer.
"Let's go Brianne. I'll bring you to the clinic." Napangisi naman sa akin si Rian kaya nanlamig ako. She's Brianne? Yung sinasabi ng mga babae? Napakurap nalang ako ng marami na palang taong nanonood sa akin at nakaalis na sila Rancer.
Mabilis akong naglakad at hindi iniinda ang masakit kong mga kamay at pwet dahil masama ang pagbagsak ko kanina. Agaran akong pumara ng taxi at sumakay na dito.
Ilang minutong pagtitiis ay nakaabot na ako sa building, mabilis akong nagbayad at pumasok na sa building.
Pagkarating ko sa penthouse agad akong umakyat at dumiretso sa bathroom. Tinignan ko ang sugat ko at malaki nga ito pero hindi naman malalim at unting dugo lang. Naligo muna ako bago ginamot ang ang sugat ko.
Mangiyak-ngiyak akong pinunasan ang sugat ko ng gamot dahil sa sakit nito. Hindi pa kasi nagkaroon ng ganitong sugat simula noong pagkabata ko kaya hindi ako sanay. Pinunasan ko ang luha ko bago tinapos ang paggamot sa sarili at paika-ikang lumabas sa banyo.
Nagbihis muna ako ng patulog bago dumapa sa kama para hindi masagi ang kamay at pwet ko. Ilang minuto pa ang makalipas ay hinila na ako ng antok habang tumulo naman ang ilang luha mula sa mga mata ko.
I failed again.
Nagising ako sa isang masuyong tapik sa balikat ko. Pagbukas ng mga mata ko ay itim na mga mata agad ang sumalubong sa akin.
"Ahhhh." Napa-upo ako ay napa-atras. Mahuhulog na sana ako ng mabangga ko ang isang bulto. Nang iaangat ko ang aking paningin at sumalubong sa akin ang muka ni Rancer. "Rancer."
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong madilim na sa labas. Bigla akong napaalis sa kama at napatayo. Medyo napangiwi naman ako dahil sa sakit ng pang-upo ko. "Kumain ka na ba Rancer? Teka magluluto muna ako."
Akmang lalakad na ako pero hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya. Napasinghap ako ng nabunggo na ang muka ko sa dibdib niya. Mas lalo akong nagulat ng niyakap ako nito at ipinatong niya ang kanyang baba sa ibabaw ng ulo ko.
"Sorry." Isang salita mula sa kanya ay agad bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong nabato sa kinatatayuan ko.
"P-para saan?" Nauutal kong sabi dahil ako'y kinakabahan at sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.
"Just sorry." Napatahimik naman kami ng ilang segundo bago ito humiwalay sa akin at tumitig sa muka ko. Nakita ko ang lungkot at guilt sa mga mata niya. Pero para saan? "Let's eat. I cook for you." Kinuha nito si Deven mula sa kama na ito pala ang nakita ko kanina. Nilagay niya si Deven sa mga braso ko bago naglakad.
Malalim naman akong napahinga bago lumakad ng paika-ika, dahil sa masakit parin ang pang-upo ko.
"What happened to you?" Nagulat naman ako dahil ang akala ko ay lumabas na ito sa kwarto ko pero nasa pintuan pa pala ito. Napalunok naman ako.
BINABASA MO ANG
She's My Butler
Teen FictionMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...