SMB 32

769 38 10
                                        

Chapter 32



"Sige mauna na kami."

"Bye."

"Goodbye."

"Bye! Mag-ingat kayo." I said then I closed the door. Napangiti ako at inilibot ang buong paningin sa bahay na medyo magulo.

Kinuha ko ang panglinis at nag simula nang maglinis sa bahay namin. Nasa sariling silid si Rancer, umakyat ito kanina sa taas nang papalabas na sila.

Napangiti ako ulit nang maramdaman kong wala na akong lagnat hindi gaya kaninang umaga na halos hindi ako makatayo ng maayos dahil umiikot ang paningin ko. 

Alam kong maliit na bagay lang ang address ng bahay ko—namin ni Rancer, pero sa pakikipagkaibigan ang pagbibigay ng address ng iyong tinitirahan ay para naring pagbibigay mo ng tiwala sa kanila. 

Masaya ako dahil nakita ko ang saya sa muka nila Cynxia at Aiden lalo na noong malaman nila na dito ako nakatira, pero alam ko paring may lungkot sa puso ni Aiden.

Si Jers at Xian ay mukang nagulat rin sa nalaman pero hanga ako sa kanila dahil hindi sila nakipag argumento kay Rancer, respect is also must to create a solid friendship.

Napatayo ako ng maayos at pinahid ang pawis sa aking noo. Napaigtad nalang ako ng may yumakap sa bewang ko mula sa likuran at sinubsub ang muka niya sa pagitan ng leeg at balikat ko.

Napakagat ako ng labi, "R-rancer." 

Kahit hindi siya magsalita alam ko na siya ito dahil alam ko ang pakiramdam na nakadikit sa kanya.

"Vianne sweetheart, please like me back." he said. Parang tumigil ang mundo ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. 

"R-ran." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng humiwalay ito sa pagkayakap sa akin at inikot ako paharap sa kanya. Hindi pa ako nakabawi sa pagkagulat nang sinakop siya ang labi ko. 

Unti-unti akong napapikit dahil sa nararamdaman ko. 

He cut the kiss at pinagdikit ang mga noo namin.

"Vianne, I want you to be mine." He licked his lips. "Hindi man ako ang pinakamabait na taong nakilala mo pero handa akong maging santo, tanggapin mo lang ako Vianne." 

I can sense the sincerity and begging on his voice, even he's eyes holds the most sincere stare.

"Hindi nagmumura ang santo." Out of nowhere, I spoke those words that always made me want to slap myself.

"F*ck." 

"Nagmura kapa, hindi ka na tanggap maging santo niyan." 

Lumayo siya sa akin and he frustratedly comb his hair with his fingers. I smiled at the scene infront of me.

Nakatalikod na ito sa akin at para bang kinakausap nito ang kanyang sarili, how cute. Miss ko na ang lalaking ito.

Lumakad ako papalapit sa kanya and I wrapped my arms in his waist, then I rest my cheeks on his back. Naramdaman kong natigilan siya.

"Rancer I miss you." I said and pouted. Hindi naman siya nagsalita kaya nagsalita ako ulit. 

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago magsalita, ito nalang ang paraan para mapasaakin siya. "Rancer can be my boyfriend?" 

Naramdaman kong nanigas siya. Ilang segundo akong nakayakap sa kanya pero hindi hindi siya sumagot kaya kumalas ako sa pagkayakap. 

Napatingin nalang ako sa baba. "A-ayaw mo ba?" Nagsimula nang uminit ang mga mata ko. "A-ayos lang." Tumawa naman ako ng mahina para mawala ang tension sa paligid. 

She's My ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon