SMB 56

701 35 28
                                    

Chapter 56


"H-he did that?" Nanginginig na tanong ni mom sa akin. Right now, I'm telling everyone what's really happening and that includes the secret of Drake Vanders.

"Akala ko ayos na kami." Napaisip ng malalim si dad habang nakakuyom ang kamao.

"He's a devil."

"I never thought, na hahantong siya sa ganito." sabi naman ni Tito Daniel at Tita Rea.

Ilang minuto pang katahimikan bago nagsalita si dad. "Sa aming tatlo, siya ang pinakamabait. Ni minsan hindi siya nagpakita ng inggit sa amin. He's the type of friend that will understand you no matter what. I never thought that he have this anger towards us."

Nasa malalim na pag-iisip ang mga nakakatanda kaya tumayo na ako at hinila si Rancer. Kailangan din nilang mag-usap. Hinila si Rancer at naglakad kami papunta sa kusina. Mukang sumunod din ang iba at naiwan ang mga magulang namin sa living room.

Pagkapasok namin sa kusina at nakita namin si Raivian na kumakain ng dessert.

"Baby what did you eat?" Ngumiti ako sa kanya at umupo sa gilid niya. Dito siya kumain sa island counter, umupo naman si Rancer sa kabilang gilid niya.

"I ate vegetables mommy." Proud niyang sabi. He likes vegetables, which is good to him.

Umupo naman ang iba na parang may problema. Nakaupo naman sa gilid ko si kuya, naramdaman ko ang titig niya kaya tumingin ako dito.

Ngumiti siya sa akin. "You're a strong woman, I never thought my little sister can be this though."

Niyakap niya naman ako kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Sis." Tawag naman sa akin ni Ate Dianna na katabi ni kuya.

"Po?" Napatawa naman ako ng mahina ng mag pout siya.

"Bakit inunahan mo naman kami?" Mukang nagtatampo ang ate namin. "Pero dapat kami ni Leven ang unang ikasal. Itatakwil ko talaga kayong dalawa pag umuna nanaman kayo sa amin."

Natawa naman ang tao sa paligid kaya namula ako. Tumingin naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Oh bakit namumula ka riyan? Wag mong sabihin na wala kayong plano mag pakasal. Aba ako talaga ang hihila sa inyo patungong simbahan."

"Ako sa kadena." Singit ni Cynxia, it's good that she's trying to be okay.

"Oh ano na? Wala kayong plano?" Napakagat nalang ako ng labi dahil mukang tinamaan na ng mood swings si Ate Dianna.

"K-kasi ano.." Hindi pa namin napag-usapan yon ni Rancer. Baka hindi niya ako gustong pakasalan, nako hindi yon pwede akin siya.

"Soon ate, soon wag kang atat." Namula naman ako dahil biglang nagsalita si Rancer.

"Yon naman pala, ang tagal namang sumagot— yey foods!!" Napatawa ako ng mahina dahil sa mabilis na pagbabago ng mood ni Ate Dianna. Sabi ni mom ate Dianna is 5 months pregnant, I hope it's a baby girl. Pero maganda rin pag lalaki.

Nanindig ang balahibo ko ng nay bumulong sa tenga ko. "I will marry you someday, that's a promise. I love you." Ramdam ko ang pagsobrang init ng mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Bro anong binubulong-bulong mo riyan kay Loiuse, pulang-pula na mukha niya." Natatawa namang sabi ni Jers kaya napatingin sa akin ang lahat kaya napababa ako ng tingin.

"Just random staff, wag ka ngang chismoso." Natawa naman kami dahil sa sagot ni Rancer.

"Burn! Bro wag ka kasing chismoso. Gumaya ka sa akin, isang simple at mabait na—" Hindi na natapos ni Xian ang kanyang sasabihin ng sakalin siya ni Jers. Napatakip nalang ako ng bibig dahil sa tawa.

She's My ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon