SMB 28

706 40 18
                                    

Good day my bees! Here's an update for you all. ❤️

Chapter 28

Napapangiti nalang ako dahil sa I already realize something, thanks to Aiden. Alam kong masakit sa parte niya pero nagpapasalamat parin ako dahil kahit ganun wala paring nag bago sa pakikitungo namin sa isa't-isa.

Papalabas na kami ngayon para mag lunch. Nakita ko si Rancer na nag-aayos ng kanyang gamit, lalapitan ko na sana ito ng bigla itong lumabas sa room ng hindi man lang tumitingin sa akin.

"Anong problema non?" I just pout my lips at lumapit na kay Aiden at Cynxia na nagbabangayan nanaman.

Nang makita nila ako ay tumigil na sila at nag aya ng kumain sa cafeteria. Habang nag lalakad kami, laman parin ng isip ko si Rancer lalo na kanina na hindi man lang ako nito pinansin. Siguro wala nanaman siya sa mood.

"Sama kayo sakin." Nabalik ako sa katinuan nang magsalita si Cynxia.

"Saan naman?" tanong ko rito.

"Kakauwi lang ng parents ko, lunch tayo sa restaurant namin." sabi nito habang nakatitig sa phone niya at mukang may ka text.

"Baka ma late nanaman tayo niyan demonyeta ka." Natawa nalang ako sa sinabi ni Aiden.

Nagtagpo ang kilay ni Xia. "Edi wag kang sumama! Ang kapal ng muka pangit naman."

Nag panggap naman si Aiden na nasasaktan habang nakahawak sa bandang dibdib niya. "Mukang ito pangit? Ako na nga siguro ang pinaka gwapong lalaki na nakita mo."

Mas lalong sumama ang muka ni Cynxia. "Pinaka gago kamo."

Ngumiti naman si Aiden. "Aminin mo na kasi Cynxia na ang gwapo ko, wala namang mawawala." Tinaas-taas pa nito ang kanyang kilay.

"Ang kapal ng muka! Sampid lang naman sa friendship namin ni Loiuse." Mataray na sabi ni Cynxia.

"Hindi nga ako nag reklamo na demonyo ka sa pagkakaibigan natin."

Natawa nalang ako sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa parking lot, sasamahan namin ni Cynxia.

"MOM, DAD!" Agad tumakbo si Cynxia nang makita nito ang kanyang magulang pagpasok namin sa restaurant na hindi gaanong kalayo sa school.

"Cynxia." Masayang yumakap ang parents ni Cynxia sa kanya.

"Mom miss ko na kayo." Ngumuso ito at yumakap sa ina. Tumawa lang nang mahina ang mom nito.

Nagkatinginan naman kami ni Aiden at napangiti. It's our first time seeing Cynxia being soft with someone. Palagi itong maldita at mataray, para bang parating galit sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya masaya kaming makita ang isang bahagi ng personalidad niya. You can't truly judge someone just by the things you've been seeing.

"Mom, Dad." Hinila nito ang kanyang magulang papalapit sa amin. "This are my friends-"

"Buti naman at may kaibigan kana baby." Nakangiting sabi ng ama niya habang nakatingin sa aming dalawa.

"Of course ang bait ko kaya." Nag flip hair pa ito at umirap.

"Mataray kamo." Natatawang sabi ng ina niya. Napairap nalang ulit si Cynxia.

She's My ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon