Enjoyy reading my bees!Chapter 42
Isang mahabang tilaok ng manok ang nagpagising sa dalagang natutulog sa kamang unting yanig nalang ay masisira na.
Bumangon na siya sa kanyang kama at nag-inat-inat ng kanyang katawan. Binuksan niya ang kahoy na bintana at nakita niya ang papasikat palang na araw.
Agad niyang nilanghap ang sariwang hangin sa bukid at agad pumunta sa banyo para maligo.
Nilinis niya ng maigi ang kanyang katawan sa maliit na banyo na isa o dalawang tao lamang ang kasya.
Agad siyang nagtapis ng tuwalya at lumabas na sa banyo.
"Loiuse iha, papasok ka na ba sa trabaho?" Napalingon si Loiuse sa matandang babaeng kasama niya sa bahay.
"Opo nay." Nasanay na si Loiuse na tawaging nanay ang matandang naging kaagapay niya sa buhay sa tatlong taon. Malaki ang natulong nito sa kanya at pinapangako niya na pag maayos na ang lahat, tutulungan niya ito.
Agad na pumasok si Loiuse sa kanyang silid at nagbihis ng lumang blouse at jeans. Matagal na ang mga gamit niya na ito at ang iba ay binili niya lang sa palengke. Hindi na siya kagaya ng dati sa isang kurap lang kaya niyang bilhin buong mall.
Sa taon na makalipas ay natuto na si Loiuse na mamuhay sa hindi kinagisnang pamumuhay. Natuto narin siyang tumayo sa sariling paa at kumayod para sa sarili, at para narin sa matandang nag-alaga sa kanya.
Tinapos ni Loiuse ang pagsusuklay sa kanyang mahabang buhok na hanggang balakang na niya. Mataas na ito kaya pinag-iisipan na niyang putulin ito.
"Loiuse ito almusal." Agad na sabi ng matanda nang makita si Loiuse na lumabas sa kwarto nito.
"Salamat Nay Fellie."
Mabilis na kumain ng almusal si Loiuse. Tinapay at kapeng baraku ang palaging alamusal niya, bago siya pumunta sa kanyang trabaho.
Nang matapos ay siya na mismo ang naghugas ng kanyang pinagkainan habang pinapakain naman ni Nanay Fellie ang kanyang mga alagang hayop sa labas ng bahay.
"Kamusta na kaya si Deven." Malungkot na sabi ni Loiuse habang nakatingin sa pusang kalye na lumapit kay nanay Fellie na pinapakain ang aso.
Agad naramdaman ni Loiuse ang sakit sa kanyang dibdib. Alam niyang lahat ng iniwan niya ay nasakatan, pero nasaktan rin naman siya kaya umalis siya.
That video made Loiuse' world turn upside down. She never thought that magagawa iyon ni Rancer. Pero kailangan din niyang umalis kahit anong mangyari.
"Nay alis na po ako. Paki-ingatan po ang mga kagamitan ko, may importante po doon."
Wala silang malapit na kapitbahay kaya hindi natatakot si Loiuse na sumigaw dito.
"Sige iha, ingat ka anak!" Sigaw naman pabalik ng matanda na binabantayan ang mga manok na kumakain.
Byuda na si Nanay Fellie at ang anak nito ay namatay sa isang aksidente, kaya laking tuwa nito nang biglang dumating sa buhay niya si Loiuse dahil parang nabalik rin ang anak niyang dalawang taong mas bata kay Loiuse.
Naglakad na si Loiuse papunta sa terminal sa lugar na ito. Isa itong dulong lugar sa hilaga na kaunti lang ang mga mamayan. Tahimik pero masaya ang lugar na ito.
Sumakay si Loiuse sa trisikel na nakaparada sa terminal. Pupunta siya ngayon sa sentro ng bayan kong saan mas maraming tao kesa sa kinalalagyan nila ngayon.
Pagkarating niya ay agad siyang nagbayad. Napabugtong hininga nalang si Louise dahil mukang kukulangin ang pera niya para sa linggong ito.
Agad siyang pumasok sa coffee shop na kanyang pinagtratrabahuan sa nakalipas na tatlong taon. Bagong bukas pa lamang ang coffee shop na ito ng makita niya na hiring sila kaya agad siyang nag-apply.
BINABASA MO ANG
She's My Butler
Teen FictionMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...