SMB 24

793 51 13
                                    

Chapter 24

"HOY gaga, yong hot mo talagang kuya ang may ari nitong resort?" Tanong ni Cynxia. Siya ang kasama ko sa room, dalawang student per room kasi.

"Oo naman." Natatawa kong sabi. Tinuyo ko naman ang buhok ko dahil kakaligo ko lang.

"Hindi ko talaga akalain na sobrang yaman mo girl." Napakunot naman ang noo ko kay Cynxia na nakaupo sa bed niya. May dalawang kama dito sa kwarto.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kumalat kasi ang chismis na pinag-aaral ka daw dito ng mga Montregor." Umirap pa ito at tinuloy ang paglalagay ng liptint sa labi niya.

"Talaga?" Natatawa kong tanong.

"Yah, kaya daw malapit ka kay Rancer dahil maid ka daw niya." Sabi nito habang namimili na ng damit.

Napangiti naman ako. "That's partly true." Napalingon naman ito sa akin na may pagkalito sa muka.

"What do you mean?" Lumapit ito sa akin at tumabi. Nakaupo kasi ako kama ko.

Napakagat naman ako ng labi. "Basta wag mong sa sabihin sa iba." Nag-aalangan kong sabi.

"Wala kabang trust sa akin?" Umirap naman ito. Natawa nalang ako.

"Meron."

"Sige sabihin mo na." Kita ko namang exited ito.

Huminga muna ako ng malalim. "I'm Rancer's butler." Natahimik naman ito, napakunot ang noo at biglang tumawa ng malakas.

Todo tawa ito hanggang sa may munting luha na sa gilid ng mga mata niya, ano palang nakakatawa sa sinabi ko?

Seryuso lang akong nakatingin sa kanya na nagpatigil sa pagtawa niya. "Seryuso talaga?"

Umirap naman ako. "Muka ba akong nag bibiro Cynxia Molly?"

Napangiwi naman ito. "Mukang hindi nga, pero pano?" Ngumiti lang ako sa kanya at tumayo. Lumapit ako sa salamin at nag suklay.

"Okay, di na ako magtatanong." Kinuha naman nito ang susuotin niya.

"Speaking of Mr. Rancer." Nakangiti ito ng nakakaloko. "May relasyon ba kayo?"

Namula naman ako sa tanong niya.

"Ay iba! Mukang meron." Ginagalaw pa nito ang kilay niya.

"W-wala kaming relasyon." Sabi ko at nagpatuloy sa pagsuklay.

Lumapit naman sa akin si Cynxia at inakbayan ako, may nakakaloko paring ngiti sa mga labi niya. "Pero may gusto ka sa kanya."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, mas pumula ang pisnge ko. "W-wala kaya."

Binawi na nito ang kamay niya sa balikat ko. "Talaga?"

"O-oo naman." Kinakabahan kong sabi.

"Promise?" Nakangiti nitong tanong.

"P-promise!"

Pumalpak naman ito. "Good. Dahil gusto ko pa naman siya-"

"Akin siya, back off!!" Napatakip naman ako ng bibig ng bigla kong nasabi ang hindi ko inaasahan. Nakita ko na napasmirk si Cynxia.

"Got you." Tumawa naman ito at pumasok sa bathroom. "Wala palang gusto ah, pero inangkin agad." At tuluyan ng pumasok.

Napapaypay naman ako ng muka gamit ang kamay ko dahil sa sobrang kaba at sobrang pula ng muka ko. Inaamin ko may munting selos akong naramdaman ng sinabi niyang gusto niya si Rancer, kahit biro lang.

She's My ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon