SMB 39

587 28 13
                                    

paubos na load ko kaya ito mga update HAHAHAH.



Chapter 39



Nakaupo na kami ngayong sa mahabang dining table ng bahay. Maraming pagkain ang nakaserve sa harapan na si mom at dad lang ang nagluto.

Magkatabi kami ni Rancer habang ang nasa harapan naman namin ay si Ate Dianna at Kuya Leven na sa pagkakaalam ko ay magkasintahan narin ilang buwan na ang makalipas. 

As far as I know ay nauna pa kami ni Rancer na magkarelasyon sa kanila pero umamin na agad sila sa mga magulang namin.

"Isa ang tanda mo na." Natatawang sabi ni Tita Rea kay mama na nagpatawa sa amin.

"Nagsalita ang mas matanda sa akin." Napawi naman ang ngiti sa mukha ni Tita Rea. 

"Oo nga pala." Napakamot pa ito sa ulo niya. Natawa nalang kami.

Kanina pa sila nag-aasaran habang kami naman ay kanina pa tumatawa halos hindi ko na nga makain ng maayos ang pagkaing nasa plato ko.

"Ano palang wish mo Loiusa." tanong ni Tito Daniel.

"Wala na akong iba pang mahihiling dahil maayos at kontento na naman ako sa buhay, pero may isa talaga akong hiling na gusto kong matupad bago ako mawala." Natahimik naman kaming lahat. Nakangiting tumingin si kay Loyd na katabi niya, then sa akin na katabi rin ni Loyd at nakangiting tumitig kay Kuya Leven.

"What?" Nagtataka nitong tanong.

"Gusto kong magkaapo." Nabulunan naman si Kuya Leven sa pagkaing nginunguya na nagpatawa sa aming lahat na nagsa hapagkainan.

"So sensitive, what are you a chick?" Umirap naman si mom kay kuya Leven. 

Umiinom ng tubig si kuya ng nagsalita si Ate Dianna na katabi nito. 

"Wag kang mag-alala tita, bibigyan ka namin ng apo soon." Mas natawa pa ako ng mabuga ni Kuya Leven ang iniinom niya tubig, buti nalang wala siyang katabi.

"Aray ko naman." Reklamo ni Ate Dianna ng kurutin siya ni Tita Rea na katabi niya.

"Mahiya ka nga Realladine." Pero imbis na mainis mas ngumiti lang si ate Dianne.

"Ano ka ba mommy, opportunity na to." Nabalot ng matinding tawanan ang buong lugar dahil kay Ate Dianna.

"Sweetheart apo daw." Napalingon naman ako kay Rancer ng bumulong ito sa akin.

"Ano naman?" Mataray kong sagot dito.

"Bigyan natin mom mo." Nakangiti ito ng malapad habang nakatingin sa akin. Napalingon naman ako sa kasama namin buti at nagtatawanan pa sila.

"Hindi binibili ang bata Rancer." Umirap pa ako dahil may malokong ngiti sa mukha niya.

Lumapit pa ito at bumulong. "Syempre hindi natin bibilhin, gagawa tayo— aray." Naputol niya ang sasabihin niya ng kurutin ko ito sa kanyang tagiliran. "Fuck." 

Masama ang mukha nito habang nakahawak sa tagiliran niya. 

"Wag kang malandi Rancer kong ayaw mong ipasok kita sa washing machine." banta ko rito. Nasanay na ako palagi itong malandi pero nasa harap kami ng pagkain kaya mamaya nalang.

"Anak ayos kalang?" tanong ni Tito Daniel na nakatingin kay Rancer. Tumango lang si Rancer at pilit na ngumiti. 

Mukang nakabawi na si Kuya Leven sa pagkagulat at mukhang sasagot na.

She's My ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon