Sabi ko bukas na. Pero sige ngayon na HAHAHAHHA
I hope you will enjoy this chapter!
Chapter 31
Nakaupo lang ako sa isang mahabang sofa habang sila naman ay katitig sa akin. Nakaupo si Cynxia at Aiden sa dalawang single sofa na magkadikit na nasa left part. Habang nakaupo naman sa mahabang sofa sa right part si Jers at Xian.
"Bro alam mo bang may bahay na ganito si Rancer?" tanong ni Jers kay Xian.
Umiling si Xian, "Hindi bro."
Napatingin naman siya sa kabilang part at nakita niya si Cynxia at Aiden na nagbubulungan habang nakatingin ng masama sa kanya.
Narinig ko ang mga yabag pababa sa hagdan kaya napabaling ang tingin naming lahat dito, si Rancer naka short at t-shirt nalang.
"Ran di ka ba babalik sa school?" tanong ko rito. Tumango lang ito sa akin at kinarga si Deven na nasa sahig, natutulog.
Bakit na sa sahig ang pusa namin? Last time I check ayaw nun sa sahig, gusto niya sofa or bed.
Umupo si Rancer sa tabi ko at nilagay si Deven sa hita niya. Para namang walang pake itong nag palipat-lipat ng channel sa tv kahit wala itong tunog.
"So," Pambasag ni Xian sa katahimikan. "You two are living together?"
Naka focus narin sa amin ang attention ng lahat.
"Yes." Simpleng sagot ni Rancer.
Kahit mukang kanina pa nila alam ay kita parin ang gulat sa muka nila.
"Are you guys married?" Takang tanong naman ni Jers na naging nadahilan para mabulunan ako sa sarili kong laway.
Imbis na sumagot ay ngumiti lamang si Rancer habang nakatingin sa tv at nililipat ang channel.
"Shit bro! Ngumiti siya!" Para namang hindi mapakali ang dalawa dahil sa nakita nila.
"Bro bakit di natin ito alam?" Nagdradramang tanong ni Xian.
"Tanga mo kasi bro."
"Bakit ako ang tanga?"
"Alangan namang ako." At nag away na nga ang dalawa.
Pinapanuod lang namin na nag-aaway ang dalawa hanggang sa nagsalita si Cynxia.
"So you two are living together." Not a question but a statement. Tumango lang ako. "Since when?"
"After the first day of school." I answered.
"So all this time kayong dalawa ay palaging magkasama." Parang manghang tanong ni Cynxia.
"That explains the closeness they have." Bulong naman ni Aiden pero dinig parin naming lahat. Mula kanina ngayon palang nagsalita si Aiden.
Natahimik ang buong lugar at nag kanya-kanyang isip ang mga tao. Well it's shocking knowing that your two friends are living together ng ilang buwan na at hindi niyo pa alam.
Alam kong mas nakakagulat ito sa part nila Jers at Xian dahil sa pagkakaalam ko magkaigan na sila since they were kid, but by looking at them mukang maayos naman at hindi nag tatampo.
"Now I know why Loiuse didn't tell us where she live." Napakagat nalang ako ng labi dahil sa sinabi ni Cynxia.
Rancer sigh. "Don't pressure Vianne, she's sick." Napatingin naman sa kanya ang iba. "I'll cook for our lunch, you guys can watch some movie."
BINABASA MO ANG
She's My Butler
Teen FictionMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...