SMB 17

866 61 2
                                        

Chapter 17

Hula nila ay 11 na ng gabi dahil kanina pa sila sa maliit na kubo. Malakas ang buhos ng ulan at malalaki na rin ang alon sa dagat. Kanina pa umuulan at nag papasalamat si Loiuse dahil hindi kumulog at kumidlat.

Gabi na at wala pang kain sila Rancer at Louise at nilalamig narin sila. Nagpapasalamat sila dahil may isang sofa na hindi kalakihan at may telang nakatakip dito na ginawa nilang kumot.

"Vianne are you okay?" Tanong ni Rancer.

"Okay lang ako Rancer." Ngumiti siya.

"Are you not afraid?" Paninigurado ni Rancer.

"Ayos lang ako Ran, giniginaw at medyo nagugutom lang ako." Napabugtong hininga naman si Rancer sa kanyang narinig. "S-sorry, kung hindi sana ako umalis hindi tayo maiiwan." Nakita ni Rancer ang namumulang mata ni Loiuse na para bang naiiyak.

"Shhh, don't cry. It's fine." Tinuyo ni Rancer ang luhang kumawala sa mata ni Loiuse gamit ang kanyang kamay.

Kapwa hindi makatulog ang dalawa dahil matindi ang buhos ng ulan at may tumutulo pang tubig mula sa bobong ng kubo. Matindi rin ang hampas ng alon sa labas kaya hindi nila magawang makatulog dahil maaaring tumaas ang tubig at makaabot sa kanila.

Sa loob naman ng rest house ng mga Montregor ay hindi mapakali at makatulog ang tao dito dahil sa pag-aalala. Naiiyak na ang mga ina nila lalo na nang lumakas pa ang pag-ulan.

"Vladimir we need to go back there!" Hindi na mapigilan ng ina ni Loiuse na si Loiusa ang pag-aalalang kanyang nararamdaman.

"We can't. Just calm down." Binigyan ni Vladimir ang asawa ng tubig upang kumalma ito.

"How can I calm down if my daughter is left in an island while the sky is busy throwing harsh rains." Tuluyan ng naiyak si Loiusa.

"I'm sorry." Nabaling naman ang tingin nila ng magsalita si Daniel, ang ama ni Rancer. "Kung sana tinignan ko ang loob ng yatch hindi sana sila naiwan." Nahilot na ito sa kanyang noo.

"It's not your fault, calm down baka umatake ang high blood mo." Sabi naman ng asawa nitong si Rea, tumango lang ito at sinandal ang ulo sa balikat ng asawa.

"I hope they are safe." Mahinang sabi ni Leven habang nakatingin sa labas ng bintana at bakas ang pag-aalala sa mga mata nito.

"They're fine kuya, don't worry." Sabi naman ng bunso nilang si Loyd.

"I hope Loyd, I hope so." Napasandal nalang ito sa sofa at malalim ang iniisip.

Mahina namang nag dasal si Realladine para sa kanyang nag-iisang kapatid dahil pati siya sobra ng kinakabahan.

"Hindi ba talaga pwedeng puntahan natin sila?" Nanghihinang tanong ni Loiusa, alam niyang hindi sanay ang anak niya sa mga lugar na hindi siya komportable.

"Malakas ang alon, pag lumayag tayo maaring pati tayo ay mapahamak." Sabi naman ni Daniel. Napahikbi nalang si Loiusa habang nag-iinit na ang mga mata ni Rea. Isa isang nag-isip ang mga tao sa loob ng bahay, nag-aalala at natatakot sila para sa dalawang naiwan sa bagong isla.

Nabalik sa katinuan ang mga tao ng biglang kumulog ng malakas sa labas. Napatayo si Loiusa kaya nabaling ang attention ng lahat sa kanya. Naulit pa ang pagkulog ng malakas na nagpa-iyak sa ina.

"S-si Loiuse." Huling nasabi niya at nawalan ng malay, nasalo naman siya ng asawa na kita rin ang sobrang pag-aalala sa muka nito.

Para maiwasan ang takot ay na usap nalang si Louise at Rancer.

"Rancer nag review kana ba para sa history contest niyo? Malapit na yun." Tanong ni Loiuse kay Rancer na naka Indian sit sa lumang sofa habang nikayakap naman si Loiuse sa kanyang mga paa.

She's My ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon