Chapter 18
Loiuse POV
Napatulala nalang ako nang maalala ko ang nangyari kahapon. Nakauwi na kami ni Rancer sa penthouse. Pagka gising namin ay kumain muna kami bago umuwi na.
Talagang natakot talaga ako sa nangyari, it's my first time experiencing something like that na dama mo pati ang hampas ng ulab sa bobong ng bahay. Nakakatakot ang atmosphere pati narin ang mga flashes na bigla nalang lumilitaw sa isip ko.
Nabalik ako sa katinuan ng biglang kiniskis ni Deven ang kanyang balahibo sa aking paa. Napangiti nalang ako at tinuloy na ang pagluto ng agahan namin ni Rancer. Kahit ganun ang nangyari sa amin papasok parin kami.
Nilagay ko na sa mesa ang pagkain at binigyan narin ng feeds si Deven. Umakyat na ako papunta sa kwarto ni Rancer para gisingin ito.
Pagpasok ko nakadapa ito sa kama habang kalahati lang ng katawan niya ang natatabunan ng comforter, and he's topless. Napalunok nalang ako.
Tinapik ko na ang braso nito. "Ran gising na." Pero wala paring response. "Ran malalate na tayo." Nag change lang ito ng pwesto at humarap, kita ko ang buong upper body. Napahilot nalang ako ng noo.
"Ran ibibigay ko talaga kay Deven ang pagkain! Isa!" Bigla itong napabangon at napakamot ng ulo.
"That's my food." Kinusot pa nito ang kanyang mata, so cute.
"Then maligo kana!"
"I'm sleepy." Mapupungay ang mga mata nitong tumingin sa akin at nag pout.
"No, you're Rancer." Sagot ko.
"Vianne sweetheart." Nakanguso parin ito.
"Ran!" Tinaasan ko ito ng kilay.
Babalik na sana ito sa pagkahiga. "I want to sleep-"
"I should let Deven eat more-" Akma akong lalakad na palabas ng bigla itong tumayo, damn naka boxers lang siya.
"Fine, maliligo na." At padabog na pumasok sa bathroom.
Umiling nalang ako at hinanda na ang susuotin niya bago lumabas.
--
"Vianne tinatamad ako." Naupo ito sa passenger seat habang nakatingin lang sa akin.
"Rancer nasa parking lot na tayo ng school, ano pang tinatamad mo diyan." Kanina pa ito nag iinarte dahil ayaw raw niya pumasok.
"Gusto ko matulog."
"Ang sabihin mo, manunuod ka ng live concert ng kpop girl group na Twice kaya tinatamad ka." Gulat naman itong tumingin sa akin.
"I don't know those girl group you're talking about Vianne!" Nairap nalang ako at pasimpling ngumiti, nauna na akong lumabas at iniwan na ang lalaking yon, hindi naman siya sumunod at mukang walang balak lumabas sa kotse.
Naglalakad ako sa hallway papunta sa fourth year building ng biglang may nag saboy ng tubig sa akin. Napayuko na lang ako para hindi mabasa ng todo ang damit ko.
"Miss me, bitch?" Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Brianne.
"B-brianne?" Ngumisi lang siya ng malademonyo sa akin.
"Akala ko mahirap ka lang, malandi rin pala." Lumapit ito sa akin kasama ang mga chaka doll niyang kaibigan.
Napakunot nalang ang noo ko at napaayos ng tayo. "What are you talking about?"
"I saw you." Tinignan niya ako mula sa ulo hanggang paa. "Pumasok sa kotse ni Rancer, are you his new toy?"
Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko ito maintindihan. "Anong ibig mong sabihin?"
Tumawa lang ito. "Rancer likes to play with girls specially with their feelings and I think your the latest one, how cheap." Nagkuyom ko nalang ang kamay ko, hindi dahil sa galit kundi sa lamig.
"I'm not." I said straightly, totoo naman.
"Hindi ka man lang pumasa sa standards ko, what a cheap one." Pagtataray nito. "Baka naman inakit mo siya, ganyan naman ang mga mahirap kakapit sa makakapitan."
Nakuyom ko nalang ang kamao ko dahil ini-insulto niya ang mga average people in terms of incomes.
"Hindi porket mahirap, ganyan na ang sasabihin mo. Ikaw nga mayaman sobra pa sa basura ang ugali." Tinignan ko ito ng mata sa mata. "Don't you dare insult people because you're higher than them, learn to respect not to be a trashy attitude plastic doll like." Nakita ko na ang galit sa muka niya.
"How dare you insult me, you low standard cheap thing!" Nagpipigil itong samapalin ako. "You're not even in my standard to talk to me like that!"
Ngumisi ako ng maloko sa kanya.
"Oo hindi ako kasing ganda mo dahil magkaiba tayo ng standard. Hindi matatapatan ang standard ko ng isang standard malanding katulad mo." Medyo nagulat naman ako ng napatawa ang mga tao sa paligid namin, hindi ko lang ito pinahalata. Hindi ko napansin na marami na palang nakikinig sa amin."How dare you bitch."
Natahimik ang lahat ng hindi ko inaasahang sinampal ako ni Brianne. Nakuyom ko ang kamao ko, ni minsan sa buhay ko hindi ako nasamapal.
Dahil sa galit ko, humakbang ako papalapit sa kanya at sinapak ito sa muka. Hindi ako marunong manapal pero marunong akong bumasag ng muka.
Napasalampak ito sa sahig habang hawak ang muka niya. Pag tingin niya sa akin nakita kong dumugo ang ilong niya. Lalapitan ko na sana siya,
"Vianne what did you do again?!" Rancer roared.
Bigla namang umiyak si Brianne, nawala ang matapang nitong muka at ngayon para nang kinawawa.
Lumapit sa kanya si Rancer at tinayo ito, yumakap naman at umiyak si Brianne. Napakunot nalang ako noo ko.
"Vianne, what's with you? Are you that insane?" Sinusubukan niya namang patahanin si Brianne. Bigla nalang kumirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan. "Vianne why did you do that?" Bakas ang galit sa muka nito.
Napabugtong hininga nalang ako at naka ramdam ako ng guilt, I failed again. "Ignore the snake, not until it bites you."
Lakas loob ko silang linampasan at pumasok sa building at pumunta sa locker. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Why?
-
I'm twenty minutes late dahil naligo pa ako bago nag change ng PE uniform namin na kulay blue. It's just a pants and a shirt.
Kumatok ako bago ito binuksan. Nakita ko nalang ang teacher namin sa harap na nakatingin sa akin.
Kumuha ito ng papel at may sinulat. "Here."
Kinuha ko ang papel and it's a detention slip. Napabugtong hininga nalang ako.
JB|ItsLadyLB
BINABASA MO ANG
She's My Butler
Teen FictionMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...