Chapter 2
Magkaharap kaming nakaupo ni Master Rancer dito sa living room nila. He sat across the sofa I'm sitting. Nakatitig lamang ito sa akin habang nakakunot ang noo.
Pagkatapos kong magpakilala sa kaniya kanina, nagulat talaga ito at hindi tanggap na ang magiging butler niya ay isang babae. Tita explain everything to Rancer na matagal na pala nitong nasabi pero mukang hindi nakikinig si Rancer dito kaya wala siyang kaalam-alam. Umalis na kaagad ang mga magulang namin pagkatapos nilang mag-explain, they're going to a business trip at iniwan naman ako dito para mas makilala ko pa ang master ko. I stay here tonight until tommorow afternoon.
"Tell about yourself." Napaigtad naman ako ng bigla itong magsalita. I deep sigh and start speaking.
"My full name is Louise Vianna Summer. 18 years of age, 5'6 in height, consistent honor student, I hate noisy place, I like pineapples, our house is located to Morg Street-" I was cut off.
"Okay thats enough. Baka ma kwento mo pa lahat ng meron ka." Salita nito habang napahilot ng noo. "What's your course?"
"Po?" I questionably ask.
"You're 18, so what's your course and what school?" He said and blankly look at me.
"None Master." Napataas naman ang kilay niya dahil sa sagot ko. "I'm a fourth year highschool." Bakas naman ang gulat sa muka nito dahil sa narinig niya.
"Okay good." Inayos naman nito ang pag-upo. "I'm Rancer Deven Montregor and I'm 18 just like you I'm still on fourth year."
Napangiti naman ako dahil hindi lang pala ako ang late pumasok o di kaya bumalik.
"What school?" He ask then he drank the water from the glass that he's holding.
"Nag transfer po ako master sa paaralan ninyo." Napatango naman ito. "Sabi ni mom dapat akong nasa tabi incase may kailangan kang iutos."
"That's good but don't be to clingy to me inside the campus. I hate girls who likes me." Kita ko naman ang multong ngiti sa kanyang mga labi. "How about you Vianna? You like me?"
"Yes Master." I saw him smirk at napailing pa ito. "I need to like you master dahil ang sama naman kong hindi ko gusto ang master ko hindi tayo magkakasundo." Napawi ang ngiti sa labi nito at napakunot ang noo.
"What?"
"I need to like you Master." Simple kong sabi rito.
Bigla itong napatayo kaya napatayo rin ako. Lumakad ito papunta sa hagdan kaya sinundan ko rin ito. Sa tingin ko ay pupunta na ito sa silid niya. Napagala naman ang mata ko sa second floor ng bahay, may mga painting at pictures na nakasabit sa wall at sandamakmak na pasikot-sikot at mga pinto. Nakarating kami sa dulong silid pagkatapos ng ilang liko at lakad namin.
It's a black double door, I guess its his room. Walang tingin-tinging binuksan niya ang pinto ng naturang silid. Pumasok naman ako kahit hindi ako nito inabisuhan, ginala ko ang aking mata sa buong silid at malaki nga ito, mas malaki ito ng kunti sa kwarto ko. The wall is painted black and white pati rin and mga gamit at kulay itim at puti, even the queen size bed is black and white.
"This is my room at ang sayo ay unang pinto sa kanang bahagi ng unang lilikoan mong pasilyo." Paliwanag nito at umupo sa kanyang kama at kinalikot ang kanyang cellphone.
"May ipag-uutos pa po ba kayo master?" Nakita ko namang na-ilang siya sa tanong ko.
"I-ipag t-timpla mo ako ng...ng ano." Hindi nito matuloy ang kanyang sinasabi.
"Ng ano....ano..."
"Master wala pong 'ano' na iniinom." Binigyan lang ako nito ng masamang tingin habang ako naman ay nalilito kong ano ang ano.
"Fine! TIMPLAHAN MO AKO NG GATAS!" Padabog niyang sabi at mabilis na pumasok sa kanyang bathroom. Nakita ko rin na namumula ang muka nito, bakit kaya?
Lumapit ako sa pintuan ng banyo at kumatok. "Master gusto niyo po ng gatas?" Paninigurado ko.
"Hindi mo ba nadinig ang sinabi ko! I told you to make me some milk!" Mapaatras naman ako ng kunti dahil parang galit na galit ito.
"Yes Master." Naguguluhan akong lumabas sa kwarto at mas naguluhan pa ako ng malito ako sa dadaanan ko.
Trenta minutos ang malipas ay nakabalik na ako sa silid ni Master Rancer ang masasabi ko lang ay napakahirap ng pinagdaanan kong pasikot-sikot dito sa loob ng mansion nila.
Pagpasok ko rito ay hindi ko nakita si Master, nadinig ko ang mga kaluskos sa loob ng walk-in closet niya kaya inisip ko nalang na umalis at matulog.
Inilagay ko ang isang basong gatas sa side table at kumuha ng papel at ballpen na nasa tabi na rin nito. I just wrote a simple good night and a smiley face.
I just smiled at my self at lumabas na rito, tinungo ko na ang silid ko at sa awa ng diyos tama ang napuntahan ko dahil kong hindi mababaliw na talaga ako.
Pumasok agad ako at nakita ang mga gamit ko, we already planned na mag stay ako rito kaya nakapag handa na ako ng gamit. I just took a bath at humilata na sa kama. Sa ilang minuto kong pagmuni-muni ay hinila na ako ng antok.
Napabalikwas ako sa kama dahil sa isang malakas na tunog ng kulog at kidlat. Lampshade lang ang tanging ilaw sa silid ko at nakikita ko sa bintana ang malakas na pag buhos ng ulan.
Muling kumidlat at kumulog kaya napatakip ako ng comforter, nagsimula ng manginig ang katawan ko at binalot na ako takot. Takot ako sa kulog at kidlat simula palang ng bata ako. Patuloy ang pagkidlat at pagkulog kaya mas lumalala pa ang takot at pag-iyak ko. Lalo pa at wala ang mga magulang ko rito.
Napatayo nalang ako sa takot at tumatakbong lumabas sa silid na binigay sa akin. Agaran akong tumakbo papunta sa pinto ni Master habang tumutulo ang luha ko at nanginginig parin.
"Master! Master gising ka pa ba?" Nanginginig kong katok sa pinto nito ng biglang kumulog ng malakas kaya napasigaw ako. Binuksan ko na ng walang pahintulot ang pinto nito at agad sumampa sa kama ni Rancer.
Mahimbing itong natutulog habang walang pang-itaas na damit. Agad kong hinawakan ang braso niya at niyugyog.
"Master! Master natatakot po ako!" Sabi ko rito habang umiiyak. "Master gising po." Umungol lang ito bilang sagot.
Kumulog ng mas malakas kaya napatalon ako payakap kay Rancer at siniksik ang aking muka sa leeg nito, mas tumindi pa ang pag-iyak ko.
"Vianne are you okay?" Hindi ko na ito nasagot pa mas sumiksik pa sa leeg niya ng kumulog ulit. Nakadagan ang kalahati ng katawan ko sa kanya.
"Vianne tahan na nandito lang ako." Tumagilid naman ito ng higa para ihiga ang ulo ko sa kamay nito at ginantihan niya rin ako ng yakap. Umiiyak lang ako habang nakayakap sa leeg niya habang siya naman ay sinusubukang ako'y patananin.
Mas gumaan ang pakiramdam ko ng nilagyan niya ng headset ang aking tenga at nag play ng nakakarelax na kanta.
Nilalaro nito ang buhok ko habang hinalikan niya naman paminsan-minsan ang noo ko, I found comfort in his arms.
I was already dozing off when he stop caressing my hair and hug me on my waist.
Wala na ang takot ko at nakatulog ako ng maayos habang kayakap ng isang Rancer Montregor.
JB|ItsLadyJB_

BINABASA MO ANG
She's My Butler
Teen FictionMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...