Chapter 52
(Third person)
Lasing na si Loiuse habang nakatitig lamang sa phone niya. Hinihintay niya pa rin ang tawag o text man lang galing kay Rancer.
Napasimangot nalang siya ng limang minuto na siyang nakatitig dito ay wala paring dumating. Nag-init na ang mga mata niya, mahina siyang humikbi nang tumulo ang luha niya sa kanyang mga mata.
She pouted at pinahid ang luha sa pisnge niya. Kinuha niya ang bote ng wine at doon na mismo uminom. Since malapit na yong' maubos edi lulubos lubosin niya na. Siya lang naman mag-isa dito sa bahay.
Ilang minuto pa ay na-isipan niyang tawagan si Nigel. Gusto niyang may kausap, kahit kaunti maging masaya naman ang anniversary kuno nila.
Pagod si Rancer na lumabas sa sasakyan niya. Pagkatapos ng isang oras na pananatili ni Nigel sa condo ni Brianne ay umalis ito. Papaalis na rin sana si Rancer kaso biglang nagising ay nag-iiyak si Brianne.
Ilang oras itong umiiyak habang tinatawag ang kuya niya. Hindi alam ni Rancer kong sino ito, kahit na matagal na silang magkaibigan ni Brianne ni minsan hindi niya narinig na may kapatid ito. Kaya pilit siyang sumama para malaman kong sino ito.
Buti nalang at may dumating na lalaki na ang sabi ay pinadala siya ni Nigel. Tinurukan si Brianne ng pangpakalma kaya nakatulog na ito.
Nang makitang maayos na ang kalagayan ni Brianne ay naisip na niyang umuwi. Alas 11 narin ng gabi at medyo tahimik na ang paligid.
Napatingin si Rancer sa bahay nila, at halos naka bukas pa ang lahat ng ilaw nito.
"She's still awake?" Napatanong siya sa kanyang sarili.
Kunot ang noong pumasok siya sa bahay. Ginala niya ang kanyang paningin pero wala siyang nakitang Loiuse na naghihintay sa kanya sa sofa, gaya nang ginagawa nito palagi pag matagal siyang nakakauwi.
Dumeritso naman siya sa kusina para tignan kong nandoon ito pero wala rin siyang nakita. Tinignan muna niya ang buong first floor bago naisipang umakyat sa second floor.
Agad niyang tinungo ang kwarto ni Loiuse, ay mas lalong napakunot ang noo niya ng wala siyang nakitang tao dito. Pumunta naman siya sa kwarto niya, nagbabakasakaling nandoon si Loiuse. Pero pagpasok niya dito ay ganun parin ang silid niya, gaya noong iniwan niya ito kanina.
Nagtatakang napaupo si Rancer sa kanyang kama. Naalala naman niya ang phone niya kaya kinuha niya ito mula sa bulsa niya.
"Sana gumagana pa to'." Nahulog ang phone ni Rancer kanina habang pinapakalma niya si Brianne. Kaya hindi na niya na check kong nasira ba o ayos lang.
Pagbukas niya dito ay maraming text ni Loiuse ang sumalubong sa kanya. Agad niyang binuksan ito ang binasa.
From Vianne:
Rancer ang tagal mo naman
From Vianne:
Rancer uuwi ka pa ba?
From Vianne:
Ang lsmig ns
From Vianne:
Nasa rooftpp aki
From Vianne:
Mss na kita
Napakunot nalang ang noo niya dahil patagal ng patagal ay nagiging weird ang text nito. Para bang isang lasing ang nag text sa kanya.

BINABASA MO ANG
She's My Butler
Teen FictionMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...