Chapter 58Oras na para kumain at busog na ako dahil kumain ako kanina kasama si Raivian. Nagpaiwan nalang ako sa garden habang nag-re-relax. Kahit kunting oras man lang gusto ko munang mag relax. Masyado na akong nastress.
Humiga ako sa mahabang sofa at tumitig sa itaas ng gazebo. Napangiti ako ng maalala ko ang aking ina kanina sa pag-uusap namin. Hindi man siya ang perpektong ina sa mundo pero para sa akin siya parin ang best mother in the whole world.
I chuckled on my thoughts.
"I sounded like a kid." I said.
I miss being a kid. Iyong ang problema mo lang ay kong paano iiwasan ang palo ni mom. Things really grow fast, and problems is not an exemption.
"Why is my daughter smiling?" Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si dad. Agad akong napaupo ng maayos at ngumiti sa kanya.
"Bakit ka nandito dad? Hindi ka pa ba kumakain?" tanong ko rito at inayos ko ang nagulo kong buhok.
Lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Hinahanap kita, hindi kasi kita makita sa dining room. Ayaw mo bang kumain?" Tumingin naman siya sa akin. "Ayaw mo ba kaming makasama?"
Nabato naman ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang huling tanong niya. Napakunot naman ako noo ko. "Bakit mo naman nasabi dad?"
Busog na ako at gusto ko munang mag-isip ng maiigi dahil marami pa akong gagawin, hindi kasali sa rason ko ang hindi ko sila gustong makasama.
"Hindi ka na namin nakasamang kumain." Napakagat naman ako ng labi nang maalala kong ang huling magkakasama kaming kumain ay 'yong umuwi ako, more than two months ago.
"Busog na ako dad, kumain na kami ni Raivian kanina. Kailangan ko rin mag isip-isip." I answered at iginala ang mata ko sa paligid.
Narinig ko naman na napabugtong hininga siya. Ilang segundo pang katahimikan bago siya nagsalita. "Galit ka ba sa akin, anak?"
Napalingon naman ako sa kanya, nakatingin lang siya sa sahig. "Do I have to?"
"Y-yes, you should." Natawa naman ako ng mahina kaya naging dahilan ito para tumingin siya sa akin.
"Come on dad, do you really think that I'm mad at you?" I smiled at him. I saw how his face lighten up.
"But you know, I did something wrong."
"Ika nga nila 'Mistakes is part of life', dad nagkamali ka pero hindi ibig sabihin non ay kakamuhian na kita habang buhay. Mahal kita, hindi ko kayang magalit sayo ng matagal. Iyan ang tinuro mo sa amin magkakapatid dad, ang patawarin ang isa't-isa kahit ano pang kasalanan ang kanilang nagawa."
Napatingin naman ako kay dad na umiiyak na pala. Pinahid niya ang kanyang mga luha bago ako niyakap.
"I'm glad, kahit na makasalanan ako napalaki ko ang isang mabuting anak na katulad mo." I hugged him back and I rested my chin on his shoulder.
"I love you dad." I whispered to him.
"I love you so much my daughter, your dad is so proud of you." Napapikit naman ako at napangiti sa kanyang sinabi. It's so good to hear your parents saying they are proud of you.
Ilang minuto kaming nagkayakap bago kami humiwalay sa isa't-isa. Napangiti kami at natawa ng mahina. I hope this happiness will last long.
"May apo na ako." Napatingin ako kay dad na nakangiti na pala habang nakatitig sa bulaklak sa labas ng gazebo. "He's a smart boy."
"Mana sa'min dad." We chuckled because on what I say.
"Bakit hindi mo naman sinabi sa amin?" Nakita ko pang nagpout ito, such a cute gesture.
BINABASA MO ANG
She's My Butler
Teen FictionMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...