Chapter 12
It's been three weeks, sa lumipas na three weeks naging maayos na magulo naman ang pamumuhay ko. May bagong mga naging kaibigan at mga bagong haters.
Sa nakalipas na mga araw naging magkaigan kami ni Aiden lalo na at magkaklase kami at nasa unahan lang ang upuan niya sa amin ni Cynxia. Palagi itong nakikipagkwentuhan sa amin at palagi rin silang nag-aaway ni Cynxia. Si Aiden yung kaibigang maaasahan mo at masyadong caring, masaya rin siya kasama.
Pagkabukas naman noong nangyaring aksidente ay nagpakita sa akin si Brianne. Naging iba na ang pakikitungo nito sa akin at palagi akong sinusungitan. May pagkakataon pa na pinagsasabihan niya ako ng masama at pinapatid kasama ang mga kaibigan niyang makapal ang make ups. Hindi ko nalang ito binibigyan ng pansin dahil masyado siyang immature.
Naging maayos naman ang pagsisilbi ko kay Rancer kaso mukang mas sinumpong ito ng kanyang ka attitudedan. Palaging nakakunot ang noo nito at halos hindi pa ipinta ang muka. Palagi ring galit pero maayos naman siya sa akin.
Naging close narin siya sa pusa naming si Deven kaso galit pa rin daw siya sa pusa. Palagi ko silang nakikitang nakaupo sa sofa habang nanunuod ng tv at nakapatay ang ilaw. Nakaupo sa hita ni Rancer si Deven habang hinihimas naman niya ang ulo ng pusa at hindi mawawala ang gatas niya sa tabi. Para silang mga kontraboda sa pelikula kaso barbie ang pinapanood nila.
Naihanda ko na ang pagkain sa mesa kaya umakyat na ako. Pagpasok ko sa silid ni Rancer ay tulog pa ito habang kayakap si Deven. Masyado na atang nag-e-enjoy ang puting pusang ito kay Rancer.
Umiling nalang ako at kinuha ang cellphone ko bago kinunan sila ng picture. They look cute.
Nang ma satisfy na ako sa picture ay pumasok na ako sa walk-in closet ni Rancer at hinanda na ang susuotin niya. Nilagay ko sa taas ng lamesa ang uniform niya bago lumabas para gisingin ito.
Mahina ko itong tinapik sa balikat. "Rancer gising na." Inulit ko pa ang sinabi ko bago ito dumilat.
"I'm still sleepy. Five minutes more." Kinuha nito ang unan at pinatakip sa ulo niya pero sa kasamaang palad ang pusa ang nakuha niya. Ilang minuto pa ay nabalikwas ito kaya lumipad si Deven papuntang gilid ng kama. Kawawang pusa. "Pumasok ata sa lalamonan ko ang balhibo niya."
Mabilis itong tumakbo papasok sa banyo. Natatawang napailing nalang ako at kinarga si Deven. Minsan talaga nakakatawa si Rancer kahit wala namang ginagawa.
Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Nilagay ko si Deven malapit sa kainan niya at nilagyan ito ng pagkain. Magana naman siyang kumain. Umupo nalang ako ako at hinintay na makababa si Rancer.
Hindi nagtagal ay bumaba na ito at nakabihis na ng uniform. He always look handsome specially when he's wearing his uniform. He run his fingers through his hair and sat on the chair across me.
He silently put some rice and food in his plate. I just watch him eat his breakfast. Until our eyes meet.
"What's the problem?" He asked. Hindi ko alam pero ilang araw na rin talaga akong nagwagwapuhan sa kanya. Gusto ko rin na palaging naririnig ang boses niya.
"Wala naman." Tumango lang ito at kumain.
"Pack your things later." Nabaling naman ang attention ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. "We're going to our island later." Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Magpapaalam muna ako kila mom." Kukunin ko na sana ang phone ko nangagsalita ito.
"Sasama sila." Napaawang ang bibig.
"Talaga?" Paniniguro ko.
"Yes." Bumalatay ang saya sa puso ko dahil ilang linggo narin simula noong nagkasama sama kami.
BINABASA MO ANG
She's My Butler
Teen FictionMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...