Sorry for late update my bees. Enjoy!
Chapter 53
Napahawak si Loiuse sa ulo niya nang maramdaman niya ang sakit nito, hangover. Agad siyang umupo sa kama at napangiwi. Masyado atang maraming wine nainom niya kagabi, isang bote?
Napa-pout naman si Loiuse nang maalala niyang hindi sumipot si Rancer sa date sana nila para sa kanilang 4th year anniversary, na mukang siya lang ang may alam.
Pero napangiti naman si Loiuse ng maalala niya ang panaginip niya kagabi. Isa iyon sa mga parang totoong panaginip niya. Sana naging totoo nalang iyon.
Kahit medyo may kirot sa puso ay nakangiti parin si Loiuse lalo na pagnaaalala niya ang panaginip niya kagabi. Pumasok na siya sa bathroom at agad naglinis ng sarili.
Pagkatapos niyang linisan ang sarili ay nagsuot na siya ng damit, shorts and oversized t-shirt. Ito palagi ang gusto niyang sinusuot.
Wala pang klase ngayon kaya makakapagpahinga pa siya, ang sakit pa naman ng ulo niya.
Pagkatapos niyang patuyuin at suklayan ang buhok niya ay agad siyang lumabas.
Papikit-pikit pa siyang naglakad dahil ang sakit ng ulo niya. Dumeritso siya sa kusina at uminom ng tubig.
Inilapag niya ang baso sa sink ng may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran. Agad niya itong tinignan mula sa kanyang balikat at laking gulat niya ng makita si Rancer.
Magsasalita na sana siya biglang nilapat ni Rancer ang kanyang labi sa kanya. Hindi makagalaw si Loiuse dahil sa gulat at sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya.
"Good morning sweetheart." Agad na bati ni Rancer ng maghiwalay ang labi nila.
Napakurap naman si Loiuse at biglang nag-init ang kanyang mga mata, ilang taon narin ng huli niyang marinig na tiwanag siya ni Rancer ng sweetheart.
"G-good morning." Nauutal niyang sabi at humiwalay sa pagkayakap mula kay Rancer. Naninibago siya at hindi niya maintindihan ang nangyayari kay Rancer.
"G-gusto mo na bang k-kumain?" Tanong niya kay Rancer para maiwasan ang hiyang nararamdaman niya.
"Yes." Rancer answered habang nakatitig lang sa kanya. Umiwas naman ng tingin si Loiuse dahil hindi niya kayang titigan si Rancer.
"M-magluluto muna ako—" Naputol ang sasabihin ni Loiuse ng biglang siyang hilahin ni Rancer ang kanyang kamay at niyakap ito, at sinubsub ni Rancer ang kanyang mukha sa leeg ni Loiuse.
Hindi makagalaw si Loiuse at naguguluhan sa nangyayari. Hindi rin niya maawat ang pusong tudo ang pagtibok, sigurado siyang naririnig ito ni Rancer.
"Your heart beats so loud sweetheart." At tama nga ang hula niyang naririnig ito ni Rancer. Ang kaninang namumulang mukha ni Loiuse at mas namula pa.
Mas hindi pa siya nakagalaw when she felt a light kisses on her neck, Rancer is kissing her neck!
Can someone save me! Aatakihin na ata ako sa puso!
Those kisses went up until it reaches her ear then Rancer whispered something that made Loiuse tears flow in instant.
"Happy anniversary, sweetheart." Kahapon pa ang anniversary nila pero hindi niya maiwasang maiyak ng marinig niya ito mula mismo kay Rancer. "We dance last night."
Napakunot naman ang noo ni Loiuse dahil sa sinabi ni Rancer.
"We danced?"
"Yes."
![](https://img.wattpad.com/cover/257076086-288-k442927.jpg)
BINABASA MO ANG
She's My Butler
किशोर उपन्यासMONTRENIAN SERIES 1: SHE'S MY BUTLER (COMPLETED) -- Serving someone is not an easy job to do. You should have patience, harwork, courage and intelligence. What an 18-year-old lady can do if she's destined to be a butler of a cold hearted but playful...