"Board Theodore," sabay nguya ng pagkain si Bitz. "Kumusta naman po ang pamilya ko?"
Natigilan naman sa paglalakad si Theodore. Halatang marami itong iniisip at hindi mapakali. Nang mapansin naman niyang panay lang ang kain ni Bitz ay bahagyang nairita siya. "Tapusin mo nga muna ang pagkain mo!"
"Huh? Eh hindi pa po ako tapos, kakainin ko pa yung mga yun." sabay nguso ni Bitz sa isang malaking plastic bag na may laman na iba't-ibang uri ng pagkain.
"Huh? That's good for a week! May bulate ka ba sa tiyan at hindi ka tumataba?" nanlaki ang mga mata ni Theodore ngunit napakamot lang ng ulo si Bitz.
Hingid sa kaalaman ng iba ay malapit din lang sa paaralan ang lugar na pinagtataguan nila Bitz. Ayon kay Casey, pinakaligtas na lugar raw ito.
"Hanggang kelan ba ako magtatago Board Theodore?" tanong ni Bitz.
"Hanggang sa araw na ilalabas natin ang katotohanan." puno ng determinasyon na sagot ni Theodore. Tumango-tango naman si Bitz na hindi mo alam kung dahil sa nasasarapan siya sa kinakain o dahil sa sagot ni Theodore.
"Kakain lang ako hanggang ang araw na yun. Don't worry."
Bumuntong hininga na lang si Theodore.
***
"Ang gwapo talaga!" sigawan ng mga kaklase ni Voice habang nakatanaw ang mga ito sa kanilang classroom na nasa second floor. Tanaw kasi rito ang mga naglalakad na estudyante at ang kanilang tinutukoy ay walang iba kundi si Gig.
"Gwapo kayo diyan! Mapanlait ang taong yan! Akala mo kung sinong matalino! Oo nga at special section siya but who cares!" alburoto ni Voice na piniling manatili sa kanyang kinauupuan kahit na kalahati ng isip niya ay dinidiktahan siyang tumayo at pagmasdan rin si Gig.
"Kyaaa!" sigawan ng mga klasmeyts ni Voice.
"Tumingin ba siya dito?" kinikilig na bulungan pa ng mga ito. Nagulat naman si Voice sa narinig.
"Tumingin siya?" bulong ni Voice sa sarili.
"Ui tumigil siya at nakatingin lang dito!" nagtalunan pa ang mga kaklase ni Voice habang siya ay nagtaka. Hindi na nga niya namalayan na tumayo na rin at sumilip sa bintana.
"Anong tinitingin-tingin mo?!" bulyaw ni Voice. Gulat na gulat pa ang mga kaklase niya sa bigla nitong pagtataray.
"Hoy Voice! Bakit mo sinisigawan si Prinsipe Gig huh?" sumbat ng mga kaklase niya pero hindi niya ito pinansin.
"Shoo! Alis!" pagtataboy ni Voice sa nakatingin pa rin na si Gig. Seryoso naman si Gig at nakatingin lang sa kanya. Maya't maya ay inilabas ni Gig ang cellphone at may tinawagan.
Mas lalong nagulat si Voice nang tumunog ang cellphone niya at inilabas ito para malaman na si Gig ang tumatawag.
"Papa Gig?!" bakas ang pagseselos ng mga kaklase ni Voice nang makita sa cellphone ni Voice kung sino ang tumatawag sa kanya.
"Kayo?"
"Hindi noh!" pagtatanggi ni Voice.
"Sagutin mo kaya?" suhestiyon ng katabi ni Voice kaya sinagot na rin niya ang tawag ni Gig.
"Bakit Genius?" mataray na tanong ni Voice ngunit hindi sumagot si Gig at nakatingin pa rin sa kanya. "Hello?"
"Hello? Linoloko mo ba ako?"
Ngumiti lang si Gig. Sa galit ay ibinaba ni Voice ang cellphone.
"Hoy! Lalake! Tatawag tawag ka tapos hindi ka magsasalita?!" bulyaw ni Voice. Hindi ulit sumagot si Gig kundi ay tumawag ulit sa kanya. Kahit naman naiinis ay sinagot pa rin ito ni Voice.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...