Sa loob ng sampung taon ay nakinabang ang house of tigris sa taglay na yaman ng Adam Newson University. Isang maipupuri sa pamumuno ni Edward ay ang matalino niyang paggamit sa pondo ng paaralan para pagandahin ang Mansyong tinutuluyan ng bawat magaaral na kabilang sa Tigris.
Hindi katulad sa iba pang mansyon, tanging ang Tigris ang mayroong tatlong gusali. Bawat isa sa mga ito ay may espesyal na pinaggagamitan. Una, ang dormitoryo kung saan nanunuluyan ang mga estudyante. Narito na rin ang dining hall nila at isang malaking kuwarto para sa mga malaking pagtitipon. Ang pangalawang building ay nakareserba naman para sa Prinsipal. Mas kilala ang gusaling ito bilang bahay bakasyunan ng Prinsipal kahit sa loob din lang ito ng eskwelahan. Kumpleto ang gusali sa mararangyang amenidad na matatagpuan lamang sa mga five star hotels kaya naman isa itong paraiso sa loob ng paaralan. Naging bulung bulungan din na dinisenyo ang resort sa loob ng gusali na parang isang natural na beach resort. At ang panghuling building ay nakalaan naman para sa pagsasanay pisikal at ito rin ang tinutuluyan ng isa pang importanteng lalake mula sa house of tigris - ang hari ng tigris.
"Serene, may kailangan pala akong sasabihin sa iyo." seryosong liningon ni Archer si Serene. Bahagya niyang ibinaba ang bagahe ng dalaga habang bitbit bitbit naman nila Bridgitte ang ilan sa mga ito.
"Ano iyon?" "Ipangako mo sa akin na huwag na huwag kang papasok sa pangatlong gusali." sabay turo ni Archer sa pinakamalaking gusali na bahagi pa rin ng mansyon ng tigris.
"Tutal sa bahay bakasyunan ka ni Tito titira kaya magiging ligtas ka naman doon."
"Ano bang ibig mong sabihin Master Archer? Kung magsalita ka ay may banta para sa buhay ng Binibini." balisang tanong ni Bridgitte.
"Wa-wala, mas mabuti nang wala kayong malalaman sa sikreto ng tigris. Mas mabuti ng hindi kayo makialam." seryosong sagot ni Archer nang biglang nagsilabasan ang mga taga-tigris sa kanilang dornitoryo at nagmamadaling nagtungo sa pangatlong gusali.
"May humamon kay Leon!" sigaw ng isang binata na bakas sa mukha ang excitement.
"Leon? Ano bang nangyayari dito Archer?" tanong ni Serene.
"Please, huwag na kayong makialam." nagmamakaawang sagot ni Archer. Nanahimik naman ang grupo ni Serene at nagpatuloy na lang sila patungo sa bahay bakasyunan ng Prinsipal. Ngunit ganun pa man ay hindi natanggal sa isipan ni Serene ang naging babala ni Archer. Kung sino si Leon at kung anong sikreto mayroon ang House of Tigris.
***
Puno nga ng karangyaan ang bahay bakasyunan ni Edward. Pagpasok pa lang sa bungad ay ilang artikulo ng ginto na ang makikita hindi katulad ng mga pekeng disenyo sa House of Pishon. Isang babae ang bumati sa kanila at sa tulong ni Archer ay nalaman nila Serene na ito ang sekretarya ni Edward.
"Sa guest room po kayo manunuluyan habang ang mga guwardiya niyo naman ay sa katabing kuwarto lang." imporma ng sekretarya ngunit hindi naman siya nakatingin kay Serene kundi panay ang titig niya kay Archer.
"Salamat." nangingiwing sagot ni Serene.
"Kung may kailangan kayo ay pwede niyo lang akong tawagin. Ang prinsipal mayat maya ay darating na upang kausapin kayo." malambing na nginitian ng sekretarya si Archer at sinuklian naman ito ng binata. Pinagmasdan nga nila Serene kung paano nakipagharutan ang sekretarya kay Archer bago ibinigay sa binata ang susi ng kuwarto nila Serene.
"Hindi ka talaga tutuloy din dito?" bulong ng sekretarya kay Archer at umiling ang binata tsaka ilinapit ang bibig sa tenga nito. Tila nakuryente pa nga ito dahil mahinhin siyang napayuko.
"Baka kasi may mabuntis daw ako kung dito ako tutuloy." nangaakit ang boses ni Archer na bumulong sa sekretarya.
"Binibini, mukhang tagilid tayo kay Master Archer kung siya ang makakatuluyan mo." bulong naman ni Bridgitte kay Serene.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...