CHAPTER 30 - FIREFLIES

27.4K 480 46
                                    

"You!" biglang sigaw ni Hale nang makita nila ni Serene ang pakay nila sa pagsugod sa House of Pishon. Hindi na nga namalayan ni Serene na nasuntok na pala ni Hale ng ubod ng lakas ang binata na ngayoy napaupo na lang samay sahig habang kinakapa ang namamagang pisngi.

"Hale, huwag kang padalos-dalos." pagmamakaawa ni Serene ngunit hindi niya magawang lapitan si Hale dahil na rin sa prisensiya ng lalakeng dahilan ng pagkalat ng litrato ni Vane.

"Hindi ko akalain may mga taong katulad mo!" bulyaw ulit ni Hale. Kuyom-kuyom pa rin niya ang palad at mukhang anumang oras ay magbabato ulit siya ng suntok. Dahil doon ay kinabahan si Serene at kahit nanginginig man siya ay mabilis niyang yinakap sa may likuran si Hale para pigilan siya.

"Makinig muna tayo sa kanya." pangkakalma ni Serene. Dahil sa nakayakap si Serene kay Hale ay dinig na dinig niya ang mabilis na tibok ng puso ni Hale. Napaisip na lang si Serene kung dahil ba ito sa galit ng binata. Mangilang beses na huminga ng malalim si Hale bago dahan-dahang tinanggal ang pagkakayakap ni Serene sa kanya. Liningon niya ang dalaga tsaka nginitian ng bahagya kaya napanatag ng kaunti si Serene.

"Ngayon magpaliwanag ka - Regulus!" sigaw ulit ni Hale sa lalakeng tumatayo na ngayon at nginingitian lang si Hale na para bang nababaliw na aso.

"Hahahaha! He deserves that!" sagot ni Regulus. Nagbalik ang galit ni Hale at aakmang susuntukin niya si Regulus nang hinawakan ulit ni Serene ang kamao ni Hale. Matagumpay na napakalma ulit ni Serene si Hale.

"At bakit nga ba ikaw ang nagagalit? Hindi mo naman litrato iyon?" pang-aasar pa ni Regulus at sa isang iglap ay nakatikim ulit ng malakas na suntok si Regulus. Sapat para pumutok ang kanyang mga labi.

"You!" galit na tinuro ni Regulus si Hale at pumorma rin siya para makaganti ng suntok.

"I hate it..." mahinang sambit ni Hale.

"Ano?"

"Sa lahat ng mga bagay, ayoko ng may naaapakan. Ayoko sa lahat ay ang mga taong nananakit ng kapwa!" bulyaw ni Hale tsaka aakmang susuntukin niya ulit si Regulus nang may malakas na puwersa na pumigil sa kanyang mga braso. Liningon ni Hale kung sino ito at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang malademonyong imahe ni Yalec. Para bang nakasulat sa buong mukha ni Yalec na handa siyang pumatay kaya ninerbiyos na liningon ni Hale si Regulus. Ibang-iba na ang mukha ni Regulus ngayon. Nawala na ang ngiting aso nito at napalitan sa pagkabalisa at pagkatakot.

"Ya-ya-yalec?" nauutal at halos pumiyok si Regulus.

"I just found out that you're responsible." malamig na sagot ni Yalec. Sa hindi malamang rason ay mabilis na yinakap ni Hale si Yalec para pigilan ang binata sa kanyang nag-aambang pagsugod.

"Let go." galit na utos ni Yalec kay Hale ngunit hinigpitan lang ni Hale ang pagyakap. Alam ni Hale na hindi patatawarin ni Yalec ang ginawa ni Regulus lalo na at kalat sa buong eskwelahan ang pagiging brutal ni Yalec tuwing may away. Ilang estudyanteng naka-away niya ang hindi na bumalik sa Adamson University dahil na rin sa takot sa kanya.

"Let go or else I'll beat you first." matalim na tinignan ni Yalec si Hale.

"Ako na lang bahala sa kanya." pangkakalma ni Hale ngunit isang malakas na suntok sa sikmura ni Hale ang isinagot ni Yalec. Dahan-dahang napadausdos si Hale sa mga bisig ni Yalec habang kinuha ni Regulus ang pagkakataong iyon para tumakbo at iligtas ang sarili. Hahabulin pa sana ni Yalec si Regulus ngunit napakapit si Hale sa mga paa ni Yalec.

"Move!" bulyaw ni Yalec ngunit umiling si Hale. Dahil sa galit ay itinaas ni Yalec ang isa pang paa para apakan ang ulo ni Hale ngunit biglang yinakap ni Serene ang nakahiga ng si Hale kaya hindi naituloy ni Hale ang pag-atake. Napabuntong hininga si Yalec bago marahas na tinanggal ang pagkakakapit sa kanya ni Hale at naglakad palayo.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon