CHAPTER 15 - TREASURE HUNT!

37.5K 583 54
                                    

Nagsimula ng magkumpulan ang mga estudyante at katulad ng dati ay naka-ayos sila depende sa grupo na kinabibilangan. Ang mga taga House of Tigris ay nakasuot ng pula, asul sa Euphrates, berde sa Pishon at Dilaw naman para sa Gihon. Kung pagmamasdan ang mga estudyante ay parang mga mandirigmang makikigiyera. Natuon din na ang nasa harapan ng bawat linya ay ang apat na kasambahay ni Serene hawak-hawak ang sariling flag ng bawat paksyon kung saan nakalagay ang simbolo ng kinabibilangan.

Bakas ang tuwa at excitement sa lahat. Ilan sa mga estudyante ay naghaharutan habang nasa linya, ang iba ay nagtsitsismisan kung ano nga ba ang mangyayari sa araw na ito at ang mangilan ay nakakaramdam ng pagkabahala.

"Okay ka lang ba Hija?" tanong ni Monique kay Serene na kanina pa hindi mapakali. Ang lahat ng mga naging prefect ay naghihintay sa isang kuwartong nakalaan sa kanila. Pinagsabihan sila na tatawagin na lang sakaling kakailanganin na sila.

"Serene, huwag kang mag-alala. Aalalayan ka namin kaya magtiis ka lang ngayon." Dagdag naman ni Rebecca tsaka naman nagulat si Niomi na tinitigan pa si Rebecca ng makahulugan.

"Ano?" tanong ni Rebecca sa nakangiting si Niomi.

"Hindi ko alam na nag-aalala ka pala ng ibang tao." sagot ni Niomi.

"Kailangan mo lang silang kamayan Serene, that's all you need to do." bumaling si Rebecca kay Serene na mukhang hindi naman naririnig ang anuman sa panunukso ni Niomi.

"Magsisimula na po tayo Madam." singit ng kakapasok na si Bridgitte.

"Tinatawag na tayo, itigil niyo na yang drama niyo." taas kilay na komento ni Aubrey na nauna ng lumabas sa kuwarto. Sumunod na rin sina Serene at sumalubong sa kanila ang masigabong palakpakan at hiyawan ng lahat ng estudyante. Naipakilala na rin ang mga sponsors at kasalukuyan silang nakatayo sa kanilang uupuan. Nasa entablado na rin ang mga Board Members na katabi pa ang Presidente ng bansa.

"Bigyan natin ng masigabong palakpakan ulit ang ating mga natatanging Eba!" pang-uulit ng Principal at tumingin ulit ang lahat sa direksyon ng limang prefect na isa-isa na ring umakyat sa stage ayon sa pagkakasunod-sunod. Si Monique ay nakangiting kinawayan ang lahat at kulang na lang ay pagmasdan ang lahat ng mukha ng estudyante.

"Tigilan mo na yang boy hunting mo at gurang ka na." saway sa kanya ni Aubrey na nakataas ulit ang kilay.

"Umaarte pa ang mangkukulam eh kumakaway ka rin." banat naman ni Niomi kay Aubrey na nakapako ang mata sa mga kumakaway na kamay ni Aubrey. Nagawa namang mahiya ni Aubrey kaya itinigil na rin niya ang pagkaway. Sumunod na umakyat naman si Rebecca at bago pa man umakyat si Serene ay ipinakilala ulit ng Principal si Serene sa buong madla. Tsaka naman natuon ang lahat ng atensyon kay Serene na lalo nagpabilis sa tibok ng kanyang puso.

"Mukhang hihimatayin na siya." bulong ni Niomi kay Rebecca. Hindi pa rin gumagalaw si Serene sa kanyang kinatatayuan kaya naman aakmang lalapitan sana siya ng isang sponsor para alalayan nang naunahan ni Rebecca ang sponsor.

"Tiisin mo lang." bulong ni Rebecca kay Serene tsaka hinatak siya paakyat sa stage. Nagpalakpakan ulit ang lahat. "Kumaway ka lang." dagdag pa ni Rebecca. Ninenerbiyos man ay nagawa pa ring kumaway ni Serene kahit na nangangatog na rin ang kanyang mga tuhod.

Sa tulong na rin ng iba pang prefect ay pinaggitnaan nila si Serene upang wala siyang makatabing lalake sa uupuan. May mga sponsor na napamangha sa taglay na kagandahan ni Serene at nag-atubiling makipagkamayan sa kanya at dahil nasa tabi naman ni Serene si Monique at Rebecca ay nagawa rin niyang kamayan ang mga ito kahit na halos mahimatay siya sa takot na nararamdaman.

Nang makaupo na ang lahat ay nanginginig na bumaling si Serene kay Monique.

"Ba-bakit kung umasta ang mga sponsor ay parang-" pautal-utal na bulong ni Serene.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon