CHAPTER 16 - AMUSEMENT PARK

37.5K 606 98
                                    

"I look good even in Girl's dress." nagpaikot-ikot sa harap ng salamin si Vane. Suot ang cute na yellow dress atsaka wig na binigay sa kanya ng kanyang Lola. "Bakit pala kailangan kong isuot ito Lola?" tsaka niya hinarap ang namamanghang si Monique.

"Art of Seduction number one!" tumayo si Monique mula sa pagkakaupo at inilabas ang kanyang libro.

"No! not that again? Huwag mo ng isermon sa akin ang mga nakakahiya mong prinsipyo Lola." maktol ni Vane.

"Heh! Tumigil ka, kung nais mong manalo kailangang mong malaman ang battle tactics ko." Binuklat ni Monique ang libro at ipinakita ang unang chapter ng Libro. "Know the target!" seryoso niyang sambit.

"Whatever." pinaikot na lang ni Vane ang kanyang mata para ipakita na wala siyang interes ngunit hindi ito pinansin ni Monique kundi ay ipinagpatuloy niya ang kanyang panenermon.

"The first rule of seduction always start with knowing the target. Katulad yan nung naging target ko ang Lolo mo. Unang tingin pa lang ay minarkahan ko na siya. Inistalk ko siya ng pasikreto. Nag-research ako kung ano ang gusto niya at ayaw niya. In short siya ang naging case study ko." litanya ni Monique.

"You went that far?" hindi makapaniwalang tanong ni Vane.

"If you want someone's heart, you'll make that person your assignment. Naiintindihan mo ba munting Chavez?" hinawakan sa magkabilang balikat ni Monique si Vane samantalang natulala lang ang kanyang apo sa kabaliwan ng kanyang Lola.

"Inistalk mo talaga si Lolo noon?"

"Tara na nga at kainan na!" hinatak palabas ni Monique ang apo.

*****

Nagtataka ang lahat kung bakit kasama nila sa hapag-kainan si Monique at Niomi dahil tapos na ang Festival at akala nila ay umalis na rin ang mga ito. Ngunit mas nagtataka sila kung sino ang kasama ni Monique na kasalukuyang katabi ngayon ni Serene.

"Bridgitte, sino tong katabi kong magandang babae?" bulong ni Serene kay Bridgitte. Yumuko naman si Bridgitte at tinitigan ng matagal ang katabi ni Serene tsaka lumapit kay Serene at bumulong.

"Hindi naman siguro kapalit mo Binibini?" hindi naitago ni Serene ang pagkatuwa sa narinig.

"Sana nga siya ang kapalit ko." bulong ulit ni Serene kay Bridgitte.

"Bakit nandito pa rin kayong dalawa?" pampuputol ni Hale. Halos sabay na tumaas ang kilay ni Niomi at Monique na malaman na silang dalawa ang tinutukoy ni Hale.

"I am on vacation." mahinhing sagot ni Monique tsaka siya uminom ng kanyang tubig. Bumaling naman ang lahat kay Niomi habang hinihintay naman ang sagot niya.

"Ah-eh. Masama ba ang maiwan? Aba eh gusto ko lang naman na-" napakunot ng noo si Niomi.

"Gusto mong ano?" tanong ni Hale.

"I want to relive the memories! Oo gusto kong ma-refresh ang precious memories ko sa bahay na ito." napipilitang tumawa pa si Niomi.

"Sa pagkaka-alam ko eh puro sakit ng ulo ang ibinigay mo noon at halos pasabugin mo pa ang House of Eve." seryosong sagot ni Echo habang hinihiwa niya ang kanyang pagkain. Inirapan ni Niomi si Echo ngunit hindi man lang ito tumingin kay Niomi kaya tumawa ng tumawa na lang si Niomi.

"Ikaw talaga Echo. Palabiro ka." madiin ang bawat salita na binitiwan ni Niomi habang nagngingitngit siya sa galit.

"Eh sino naman ang napakagandang babae na katabi ninyo Madam Monique?" tanong ni Archer na mabilis humugot ng pulang rosas sa vase at linapitan ang katabi ni Monique para ibigay ang bulaklak.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon