Pagkatapos ng agahan ay pasimpleng hinatak ng Nanay ni Serene si Voice papunta sa living room. Kinuha niya ang pagkakataon na silang dalawa pa lang ang umaalis sa hapag-kainan.
"Napansin mo ba yun?" pabulong na tanong ng nakakatandang Kreiss.
"Ang alin?" nakasimangot na tanong ni Voice.
"Si Ate mo at si Hale, tahimik. Hindi nga sila nagpapansinan. Ano kayang nangyari sa dalawang yun?" bakas ang pagtataka sa mukha ng Nanay ni Serene. Iba naman ang naging reaksyon ni Voice dahil sumilay ang isang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.
"Nay, isa lang ang ibig sabihin niyan." tinapik tapik pa ni Voice ang balikat ng Ina.
"At anong gusto mong palabasin Voice?" nagkibit balikat ang Ina niya.
"Baka si Kuya Echo na ang magiging brother in law ko Hahahaha!" tatawa pa sana ng mas malakas si Voice nang makita niya si Hale na nakatayo sa likuran ng Ina. Malungkot na nakatingin sa kanila ngunit dali-dali ring umalis ang binata. Nagkatinginan lang ang mag-ina hanggang sa isang malakas na hampas sa balikat ang ibinigay ng mas nakakatanda kay Voice.
"Hayan! Yang bunganga mo kasi." pangaral ng Nanay ni Serene turo-turo ang nakangusong bibig ni Voice.
"Voice nga pangalan ko di ba? Sinusunod ko lang ang karakter ko." isang hampas ulit ang ibinigay ng Nanay ni Serene.
"May pa karakter karakter ka pang nalalaman diyan. Eh kung maging evil mom kaya ako? Gusto mo?"
"Nay naman. Joke lang yun."
"Puwes, gagawa ako ng paraan. Hindi ako papatalo sa iyo noh." tsaka labas ng dila ng Nanay ni Serene.
"Hayun, lumabas din Nay. Aba, kompetisyon pala eh. Sige ba!" pagmamayabang naman ni Voice.
"Aba aba aba! Experience makes perfect anak. Sisiguraduhin kong magkaka-boyfriend ang ate mo bago tayo umalis sa mansiyong ito. Itaga mo yan sa bato!"
"Sisiguraduhin kong si Kuya Echo ang boyfriend na yun! Deal!" inilahad ni Voice ang kamay para makipag-kamayan sa Ina.
"Parang ganito lang ang nangyari nung isinali natin ang ate mo sa raffle di ba anak?" tsaka naman naalala ng Nanay ni Serene ang naging usapan nilang mag-ina noon na pasikretong isali si Serene.
"Kaya huwag ka ng magtaka Nay kung lumaking pasaway ang mga anak mo dahil alam mo naman kung kanino kami nagmana di ba?"
Humagikgik lang ang Nanay ni Serene bago nakipagkamayan sa nakababatang anak.
***
"Binibini, okay ka lang?" concern na tanong ni Bridgitte habang malungkot na inaayos ni Serene ang uniporme.
"Ano ka ba Bridgitte, halata naman sa mukha di ba? Malungkot ang Binibini." singit ni Mona.
"Nagtatanong lang."
"Aba eh obvious na nga tinanong mo pa? Para kang tanga! Katulad mo lang yung iba diyan. Nadapa ka na nga at nasugatan tapos tatanungin kung masakit ba? May sugat bang hindi masakit? Mahuhulog ka sa hagdan tapos tatanungin kung okay lang." litanya ni Mona.
"Wow! Bitter lang Mona? Hindi mo ba alam na tinatanong yun kasi concern ang mga tao?" buwelta ni Bridgitte.
"Tawag dun, manhid!"
Napansin naman bigla nang dalawa ang pagtayo ni Serene at pag-alis ng kuwarto kaya mas lalo pang nagsisihan ang dalawang guwardiya ni Serene.
"Ikaw kasi!" paratang ni Bridgitte.
"Bakit ako? Ikaw kaya ang nagtanong kung okay lang siya?"
"Hmmmppp!" sabay na nagtalikuran ang dalawa nang mapansin na walang nagpapatalo sa kanila.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...